Anxiety
Yesterday nagpa ultrasound ako base sa ultrasound 34 weeks and 3 days na ako and still my baby is breech position. Na depressed ako bigla, umiinit agad ulo ko. I'm aiming for a normal delivery dahil takot po ako sa kutsilyo o karayom. iikot pa bo ang ang baby pag gantong weeks

iikot pa po yan, wag ka po pa e stress o magpa dala sa galit o emosyon po kasi mararamdaman po yan ng baby mo sa loob kawawa naman po. Ang gawin mo po muna ay humanap ng paraan , breech din kasi baby ko at first nag worry ako ng sobra pero napa isip ako na dapat may gawin ako at di mag give up. Ang ginawa ko po every time na gumagalaw si baby sa loob ng tiyan ko naglalakad din ako sa loob ng bahay back and forth lang. Everytime may free time ako or natutulog ako sa hapon o gabi nagpapatogtog ako ng Mozart music for one hour tapos nilalagay ko sa may puson ko yung speaker para sundan ni baby yung tunog. Minsan naman pinapa ilawan ko ang tiyan ko gamit ang flashlight ng phone ko mula sa pusod papunta puson para sundan ni baby. Ganun lang po araw araw, sa awa ng Diyos ay cephalic na po ngayon si baby. Kaya mo po yan sana po ay mag work sa iyo subukan mo lang po at good luck 🙂
Magbasa pa

