Preterm Labor

Yesterday lang po nagka bleeding ako kasabay ng pag sakit ng tiyan ko. Actually dalawang beses sumakit tiyan ko pero less than 5mins naman yung sakit. Dumiretso kami sa ospital yun kasi Suggest nung midwife na tinawagan ko. Ang result nila is yung preterm labor tsaka may uti daw ako. Niresetahan din nila ako ng Cefalexin tsaka Isoxuphrine ata basta pang iwas hilab daw. Advise din nila na mag Bedrest ako for 7days. Una akala ko normal na normal ako. Kasi ni wala manlang akong pagsusuka or iba pang kaartehan or Pagka maselan mula nung nag buntis ako. Pero posible parin pala mangyare to nakakatakot ? Kahit kumpleto vitamins ko at healthy foods. Wala naman din ako ibang sakit. Pero nakakatakot talaga buti naagapan. At niresetahan nila ako ng pampakapit din ni baby pang iwas din daw ng pag hilab. tsaka antibacterial para sa uti. 30weeks and 4days pregnant napo ako. Share ko lang and kung meron din po kayo makakatulong na tips para sakin. Advance thank you po

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Good na naagapan yan. Yung akin hindi eh. Preemie yung baby ko hehe