Kailangan ba talaga? Hello mga mommies na LDR with husband katulad ko, hingi po sana ako ng advice.
Working abroad asawa ko, umuwi siya ng February then kinasal kami ng April, kahit may covid, naging intimate wedding namin. May 30 kailangan niya bumalik na ng work, by June time nalaman ko pregnant na ako sa first baby namin, so 7 months pregnant na po ako ngayon. Ang tanong ko po, praktikal ba kung uuwi siya pag nanganak ako sa February at gagastos ng almost 100k para lang sa pamasahe/swab tests/quarantine? Plan po kasi namin July siya uuwi para sunduin kami at sumama na sakanya. Ako po kasi pinagdedecide niya kung uuwi siya, eh babalik nanaman siya pag susunduin kami, doble gastos. Inaamin ko mahirap po magbuntis mag isa, lalo manganganak ako, pero naiisip ko din po ung gastos. Salamat po sa sasagot.☺️#1stimemom #advicepls #firstbaby
I’m a wife and a mom before I’m anything else.