Monica Manaligod Ganitano profile icon
PlatinumPlatinum

Monica Manaligod Ganitano, Philippines

Contributor

About Monica Manaligod Ganitano

Got a bun in the oven

My Orders
Posts(28)
Replies(39)
Articles(0)

Finally! Sharing my birth story😍

EDD via LMP Feb 3,2021 EDD via UTZ Feb 11,2021 DOB February 14,2021 ❤️❤️❤️ 3.5kg via Normal Delivery Cord Coil pero kinaya! 🙏 Hello mga mommy! Finally ako naman mag share ng aking birthstory dito. Feb 13, 2021 40 weeks 2 days super worried na ako kc wala paring signs of labor, at lagpas na sa due date ko. Kaya scheduled na ko for induced ng February 18,2021 at baka ma CS kasi ang laki daw ni baby 3.6kg. Nagready na ko ma-CS kasi wala tlga akong maramdaman, base sa BPS utz ko ok ang water at si baby. As usual nagwalking, squat,zumba ako ng 13 ng hapon, nagpatagtag tlga ako ng araw na yan, kinagabihan may lumabas na jelly like blood, di ko pinansin kc dalawang beses na ko pinauwi sa hospital dahil 2cm lang, kaya hinayaan ko, bandang 9pm humihilab puson ko, masakit hanggang balakang, inorasan ko hanggang 12midnight sumasakit lalo, sabi ko labor na ata to, kaya nagpatakbo na ko hospital, pagdating dun 5cm na pala ako. Kada oras nadadagdagan ung cm ko,naglabor ako from 12midnight hanggang 7am,kc nastock ako sa 9cm bumagal ung labor, pagdating ng ob ko, pinutok pa niya panubigan ko dun nagsimula ulit humilab, tatlong mahahabang ire mga mommy lumabas si baby😍 7:20am lumabas na siya, 3.5kg, cord coil pa pala kaya ang tagal bumaba, pero nakakaproud kasi walang tinurok na anesthesia/epidural sakin, kaya nabilib mga doctors ko😅 Worth it ang pain kasi may hiwa ako😅 Sobrang thankful ako sa app na to lalo na sa mga mommy na sumasagot sa mga tanong ko. Kaya sa mga mommy na malapit na manganak, pray lang po makakaraos din kayo😍🙏🙏🙏🙏 Meet my little valentine baby, LUNA AMELIÉ ❤️#firstbaby #1stimemom

Read more
Finally! Sharing my birth story😍
undefined profile icon
Write a reply