68 Replies

Mas ok pa din ang normal delivery. Kasi mabilis maghilom ang sugat. Kapag CS po medyo matagal ang healing process niya. Kaya mo yan wag mo na lang isipin na masakit maglabor. Para mailabas mo ng normal delivery si baby🙂

Masakit po ang C's kaysa normal sis, kaka anak ko lang normal delivery,.ung labor Kaya mo yan basta hinga lang malalim pag nag labor kana,. Pray lang din kay god,. Pag malapit na c baby parang na popo ka lang umiiri 😅

mas ok po ang normal kasi pag cs, major operation po yun. after cs, madami limitation like sa mga gawain dapat hindi mabigat, mejo makirot din pag malamig, may fear din na baka bumuka tahi, pag normal isang hirap nalang

Mahirap at mas masakit ma cs mamsh. Imbis na maaasikaso mo anak mo. Parehas pa kayong aaskikasuhin ng asawa mo kasi hindi ka pwede magkikilos at baka bumuka yung tahi. Pati pag linis ng tahi masakit. Mas ok pag normal.

Naexperienced ko maglabor diko na talaga gusto pang ulitin 😂 pero gusto ko mag normal pero Dina Kinaya Kaya na emergency cs ako. Cs mamsh mga 3weeks hirap gumalaw dahil sa tahi anytime pwede bumuka pg Mali Ng kilos.

mas ok ang normal pero nacs ako. after a day naligo na ako then after 3 days nakalabas na kami sa hospital. after a week tuyo na tahi ko nasa pagiingat naman yan syempre kahit naman normal or cs may risk pa din.

Parehas lang naman pong buwis buhay, nsd or cs ka man. Pero kung gusto mong agad makarecover, nsd ang maganda. Pag kasi cs ka, yung pain naman ng tahi mo yung iindahin mo at nasa 3months pa bago maghilom tlaga.

Indi mo po mararamdaman habang nanganganak pero pagkagising mo sobrang hirap.. kakapanganak ko lng last fri thru emergency cs... lalo na pag biglang nangati lalamunan mo at napaubo ka.. sobrang sakit sa tahi..

Cs po ako sa 1st baby ko and ngayon dec. Cs po ulit, hindi naman po ako nahirapan after ko manganak kinabukasan nakalabas nadin ako and nakalakad lakad nadin ako agad nun dipende din siguro sa tao po. 😊

Naku mamshie i normal mo na lng kung kaya until now di ko pa din matangap na cs aq sa 4th kid ko na post partum aq sa shakit kung di lng sana pumutok panubigan ko ng di pa kabuwanan i would go for normal.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles