Congenital Scan Review

Where : In My Womb SM Megamall Price : 4k - Congenital Scan in 3D w/ 5 black and white and 5 colored pictures I decided to opt in for Congenital Scan kahit pricey sya dahil first baby ko and gusto ko ma make sure na okay ang development ni baby. Nagpa appointment ako, a week before May 21, 2019 which I am on my 25 weeks and 3 days. Dumating kmi around 4 pm na kasi na late si hubby, pero naka appointment kmi ng 10 am. So naghintay pa kami ng 1 hr ulit dahil every 30 min may naka appointment and kelangan nila sundin un. It was a great experience!! Pinahiga ako, tapos nilagyan ng gel, majo mainit sya compare sa nilalagay pag pinapakinggan heartbeat ni baby. Then poop! Nakita ko si baby, ngumunguya. Hahahaha. Bigla pako napasabi, Ay kumakain na sya! ? sobrang sarap ng feeling. Hindi ko msyadong nakausap ung ob, dahil busy sila pagsukat kay baby, may ksama syang assistant na nagte take note ng mga information. Sinukat ulo laki ng ulo, to make sure na walang hydrocephalus, ung mga binti,kamay at braso to make sure na hindi daw pandak or ung katulad kina dagul, ung fingers ng paa at kamay binilang din, nakakatuwa kasi nagcclose open din ung mga kamay niya hahaha, sinukat din ung puso, baga, pagitan ng mata, ilong, at muka kung walang bingot. So far, normal naman sya lahat and Im so happy. Nakita din na High lying placenta ako, at accurate ung tubig sa loob ksama si baby. Pinabalik kami, May 27 para i 3D ung muka niya kasi hindi makuha ng maayos. May free na 4x ka pwede bumalik para makita ung muka. So far naka dalawang balik lang ako at nagpakita na sya.

Congenital Scan Review
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako sa bunso ko mas pinili ko ang congenital scan para masuri buong katawan ni baby at kung may problema ba ang ibang parts ng katawan pati organs, mas ok cya kesa sa 3D or 4D scan

VIP Member

Katuwa naman makita si baby sis😍😍

5y ago

Hi po mommy, pavisit naman po ng profile ko at palike ng latest uploaded photo ko. Thankyou.