Depende. May pamangkin akong babae 2 years old na wala pa ring buhok kaya nag decide ang mama nya kalbuhin tsaka lang tumubo. 5 years old na siya ngayon ang kapal na ng buhok. Lahat ng pamangkin ko pagtungtong ng 1 year kinalbo pampakapal daw ng buhok at mukhang effective naman. Sa baby ko naman hindi ko siya pinakalbo kasi mahaba na buhok nya nang mag 1 year old siya.
There's no definite time mommy kung kelan tutubuan ng buhok ang mga babies. May mga babies kasi na pagkapanganak pa lang may buhok na while others naman takes months para tubuan ng buhok. Sa LO ko, 6 months na tinubuan ng buhok. Ngayong toddler na sya napakakapal na ng hair :)