WARNING: Long post ahead
Hi mga Sis!
Share ko lang yung experience ko.
Last Jan 11, confirmed preggy ako. Nag PT ako and positive. Tuwang tuwa ako dahil first pregnancy ko and PCOS ako. Unexpected siya. However, dinugo ako ng Jan 24 and nakinig sa bilin ni OB na bedrest lang but 24 hours passed, pero continuous ang dugo so nagpasugod na ako sa ER only to find out na wala na si Baby. Walang laman ang matres sa TVS, thin endo and negative PT.
Sobrang dismayado ako sa OB ko. And sinisisi ko sarili ko kasi hindi ko sinunod instinct ko bilang babae. Iyak ako ng iyak. Sabi ko na lang kay Lord na ingatan niya si Baby sa piling niya and kung pwede kahit bisitahin man lang ako sa panaginip.
Mahigit one week ako dinugo and binigyan ako ng bagong OB ko ng pampahinto ng dugo. After non, nagpahinga muna ako. Nag DO kami ni husband after a week na pahinga. May times na withdrawal, may times naman na hindi.
Nag decide ako na umuwi muna ng probinsya para mag ubos ng leave. Napansin ko panay hilab ng puson ko. Tho hindi ako nag eexpect na magkakaroon ako like normal kasi nakunan ako and PCOS ako. But since naging preggy na ako once, alam kong iba ung kirot ng breast ko.
Something pushed me to buy a PT and to do a test and guess what? God is Good talaga! Ibinigay niya yung higit pa sa hinihiling ko. Within 10 seconds, POSITIVE agad! Kaso worried ako kasi nung nag PT ako, last day ko sa Levofloxacin due to UTI. So nagpacheck ako ulit kaso sa IM lang dahil walang OB. Binigyan ako ng bagong antibiotic (Cefuroxime) kasi mataas pa din count ng wbc ko sa ihi.
So far, no spotting and walang sakit ng puson unlike before. Sana magtuloy tuloy na ???
Tin Tin