To anonymous

Warning: long post ahead This is me an 18 year old teen mom studying Bsba marketing (2nd year to be exact) To all anonymous mommy na nagpopost about abortion, selling of their babies and anything negative about their baby. Look at me still studying while taking care of my baby boy inside YES mahirap! pagsama samahin na natin yung bata pa ako, nag aaral pa ako and yung mga what ifs kung paano namin bubuhayin si baby (wala namang madali sa buhay) dagdag ko na din yung stress sa school sama samang reports, trade show, case study and ang nakakatawa pa tuwing thursday ang monthly check-up ko which is may pasok din ako. Makikita ako minsan ng ibang mommies sa hospital na may dala dalang notebook o kaya libro kasi need ko magbasa kahit na wala ako sa school lalo na yung case study na need aralin ng mabuti kasi sandamakmak na tanong ang itatanong sayo pag nasa harap ka na. Andito yung sa una andaming magugulat kasi mataas expectation nila sayo like magtatanong sila ng anong nangyare? akala ko ba matalino ka bat nabuntis ka ng maaga? kaya mo ba? asan tatay niyan? hihinto ka na ba sa pag aaral?, pero lahat yon pinatunayan ko na kaya ko tinakpan ko tenga ko para sa magiging baby ko or family ko. Isama na din natin yung nakakahiyang part na kung saan lahat na ata ng tao eh pagtitinginan ka lalo na at first eh naka school uniform pa ako pag pumasok pero kahit sa school di pa din nawawala yung mga ganong tingin pero sinasabi ko sa isip ko dedma lang di naman sila bubuhay sa akin at sa anak ko. To anonymous, i'm a teen mom pero kahit kailan di ko naisip na gawan ng masama bata na nagmula mismo sa akin kahit mahirap lahat kaya nakaka amaze lang nga eh kasi bata ako pero nung nagka baby ako nag iba lahat ng perception ko sa buhay. Ang sarap maging mommy swear! ang sarap na may kaibigang pagkapasok mo hahawakan tummy mo at kakausapin nila ansarap sa feeling ng andaming concern at may care sayo, ansarap sa feeling na pag uuwi ka ng bahay sasalubong sayo yung hubby ko sabay kiss sa tummy ko makikipag laro sa baby boy namin Kaya please, to mommies out there na nawawalan ng hope kapit lang kakayanin natin lahat ? I hope nainspire ko po kayo sorry for the long post. Thank you!

To anonymous
43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

β€πŸ™πŸ˜

VIP Member

Salute!πŸ’–

Goodluck

πŸ‘πŸ‘

I feel you. πŸ’“ I'm 22 years old. BS Computer Science student (2nd year) and I'm 30 weeks pregnant but still pumapasok pa din ako. πŸ’“ Mas na inspire ako ipursue yung mga bagay bagay dahil sa kanya. πŸ‘ΆπŸ˜

share ko lang din. ako 13 years old ako na nganak alam kng napaka aga at napa ka bata ko pa.at dumating n sa point n pag chismisan ka.peru ok ang atlist di ko pinalaglag ang baby ko.lalo pina nagutan nman ako ng tatat ng baby ko.bata man kmi sa paningin ng iba peru isip nmn matured na.di ko kinakahiya ang pagbubuntis k nun.promise alam yan n god.khit natigik ako sa school nag sisidalaw mga classmate ko s bhay para tgnan lagay ko.at ako nmn nakaka pag payo n kanila n wag unahin ang mag bboyfriend gawin nlng akong halimbawa para malaman nila ang hirap ng maagang mag buntis . ngaun 4 y/o na ung panganay ko nag aaral na sa day care at nung oct.5 nag flower girlmpa xa

Magbasa pa
Post reply image

Wow! Thumbs up sis.. nakakahanga naman. God Bless

Nawalan ako ng ilang kaibigan dahil sa PAGBUBUNTIS ko , ewan ko ba πŸ˜… nandidiri ba sila ? Hindi Naman sakit ang mabuntis eh. Or kinakahiya lang nila ko. Hahaha Pero hindi naman kasi paunahan makatapos hindi naman karera ang pagaaral. Ang importante ganon man yung nangyari, desidido pa din ako makatapos para sa magiging future ni baby. Marami man mapanghusga na mga tao, ano naman πŸ˜‚ atleast di sakanila nangagaling yung pangastos kay baby. Kaya lampake sakanila hahahaha

Magbasa pa

Ako 1st year second sem nabuntis . Natapos ko naman sya kaso nadrop ko yung math :((( 7 am kasi and super hirap ako non pumasok ng ganon kaaga kasi lagi ako nasusuka. Hayy So nextyear balik 1styear ako pero laban Lang :(( kahit nakakaramdam ako ng inggit sa mga kabatch ko kasi 3rd year na sila non tapos ak parang back to zero . (1st sem kasi last school yr BSA ako then second sem nagshift ako NG psych) . Ganon pa man sobrang sarap sa feeling kapag nakikita ko si baby ❀️

Magbasa pa

18 din ako sis pero nag stop ako nag pag aaral pero icocontinue ko rin kapag nasa isang taon na si baby 😊 5 mos preggy. Di hadlang ang bata sa sinapupunan para di ipagpatuloy ang pag aaral πŸ™‚ Hayaan lang natin tingnan tayo ng mga matang mapanghusga dahil lilipas din yan