Just want to share my frustration. Meron kaming kasambahay na pabida though may mas experience naman talaga siya pagdating sa pag-aalaga nang baby dahil may dalawa na siyang anak. Pabida dahil imbis na gagawin ko yung dapat na gagawin ko para icomfort ang baby ko. Like biglang umiyak habang natutulog tas kapag hindi nakuha sa pag pat bigla niya sasabihing "Ako na" sabay agaw sa baby ko. Like wth? Hindi ako binigyan ng chance na gawin ko muna lahat ng ways na alam ko para macomfort ko ang baby ko. Tapos kapag napatahan feeling successful siya. 🙄 Oks naman ako sa pagtulong-tulong niya, but as a ftm, kailangan kong ipractice yung turo sakin ng Nanay ko. Para sa susunod, alam ko na. Hindi yung aagawan ako sa dapat na ako ang gumagawa. Hihingi naman ako ng tulong kung kailangan ko.