Lesson Learned

Just wanna share my pregnancy experience as well as lovelife? Mahaba po ito. Already 32 weeks and konting weeks na lang I am going to see my little Miracle.? Una pa lang malaman ng ex ko na may baby na, I was 6 weeks that time. Ayaw nya pa talaga. Tho nasa right age na kami pero we're just starting our career lalo na siya. Gusto nya muna mawala si baby na una ayaw ko pero lumaon pumayag ako para makasama ko siya. (Judge me, okay lang naman) At first pinapabayaan ko sarili ko lahat ng bagay na bawal ginagawa ko, di iniinom ang vitamins and all. Stress na stress ako kasi wala namang pakialam sakin yung father nya. Pero nagbibigay naman siya pancheckup to see kung may heartbeat pa. Pero super matatag ni baby, lumalaban siya. Naisip ko ang sama kong mother. Kinakausap ko na lang siya. Na sana maintindihan nya kami. Last week, 31weeks ako, he broke up with me. Reason nya, ang tagal ko daw bumalik sa dati. Todo iyak syempre. Nararamdaman ko naman meron na eh. May bago na siya. Ganun naman siguro. Kahit sobrang sakit, I set him free. Hindi pa siya ready for responsibilities. At hindi rin naman alam ng parents nya. Naiintindihan ko. Mabait naman ang father nya tho dun lang kami nagkaproblema. Ngayon, bumabawi ako kay baby. Nagsorry ako ng nagsorry. I want her to live in the first place. Nabulag lang ako sa pagmamahal. Things you do for love ika nga. Lesson learned na ito sa akin. Si God na ang bahala sa aming dalawa. ? Sorry baby. Babawi ako sayo. Just be strong and Mama love will be stronger for you. Mamalove loves you so much. ♥️

2 Replies

That's the greatest decision u've ever made mommy. Ako po single mom din nun pero never ko inisip palaglag baby ko though kakasimula ko pa lng sana sa career ko and never ko pinagsisihan naging decision ko na un. I stand through all the pain alone and even my parents dko masabihan ng mga sama ng loob ko kc galit cla skn kc ako inaasahan nila kc ako po panganay and ako pa lng nakapagtapos. Sa awa ng diyos nalagpasan ko lahat un and im proud to say na hnd ako humingi ng financial support sa kht na cnu., i considered my baby as my lucky charm kc andaming magagandang nangyari after that. Pag nalagpasan mo yan mommy massabi mong proud ka sa sarili mo. Palakihin mo po ng maayos ang baby mo. Mommy, ur not alone, God is with you. Always pray po hnd ka nia pababayaan! Sending my prayers 4 ur fast and safe delivery and sana maging healthy kau both ni baby. 😘😘😘

Salamat. 🥰

Alam mo mamsh kung bakit lumalaban si baby? Its for you mamsh, kasi alam ni baby na siya lang ang magmamahal sayo. Iiwan ka ng father nya pero siya hindi. So instead of magiiyak ka at habulin yang walang kwentang tatay ng baby mo, ifocus mo nalang kay baby ang attention mo. Love yourself and ur baby. Goodluck sa paglabas ni baby

Yup! Thankful din ako kasi may nanay akong nag-uunawa sa sitwasyon ko. Bumawi na lang daw ako pag nakapanganak na ako. Ipakita na we can live without him. Thanks God malayo kami sa kanya. Atleast di ako matatakot magkrus ang landas naming dalawa.

Trending na Tanong