Lesson Learned
Just wanna share my pregnancy experience as well as lovelife? Mahaba po ito. Already 32 weeks and konting weeks na lang I am going to see my little Miracle.? Una pa lang malaman ng ex ko na may baby na, I was 6 weeks that time. Ayaw nya pa talaga. Tho nasa right age na kami pero we're just starting our career lalo na siya. Gusto nya muna mawala si baby na una ayaw ko pero lumaon pumayag ako para makasama ko siya. (Judge me, okay lang naman) At first pinapabayaan ko sarili ko lahat ng bagay na bawal ginagawa ko, di iniinom ang vitamins and all. Stress na stress ako kasi wala namang pakialam sakin yung father nya. Pero nagbibigay naman siya pancheckup to see kung may heartbeat pa. Pero super matatag ni baby, lumalaban siya. Naisip ko ang sama kong mother. Kinakausap ko na lang siya. Na sana maintindihan nya kami. Last week, 31weeks ako, he broke up with me. Reason nya, ang tagal ko daw bumalik sa dati. Todo iyak syempre. Nararamdaman ko naman meron na eh. May bago na siya. Ganun naman siguro. Kahit sobrang sakit, I set him free. Hindi pa siya ready for responsibilities. At hindi rin naman alam ng parents nya. Naiintindihan ko. Mabait naman ang father nya tho dun lang kami nagkaproblema. Ngayon, bumabawi ako kay baby. Nagsorry ako ng nagsorry. I want her to live in the first place. Nabulag lang ako sa pagmamahal. Things you do for love ika nga. Lesson learned na ito sa akin. Si God na ang bahala sa aming dalawa. ? Sorry baby. Babawi ako sayo. Just be strong and Mama love will be stronger for you. Mamalove loves you so much. β₯οΈ