Constipation

Just wanna share lang po and hingi na din po ng some advise kung ano po pwedeng gawin. Baby ko po ay 1 and 3months na. Since nagstart po siyang magsolid food nung 6mos siya, cerelac banana flavor po una namin triny ipakain, napansin po namin na tumitigas popoo niya, so nagdecide po kami na palitan flavor, pero ganon pa din po,matigaa pa din. Kaya bumalik uli kami sa gatas which is ang kinahiyangan niya lang ay Nestogen, at okay naman po nestogen 2 sakanya. Pinagatas muna namin siya until mareach niya ang 1yr. Nag swap kami sa Nestogen 3 po pero ayun na,don na po nagstart uli yung pagtigas ng popoo niya. Nagtutubig naman po siya pero ganon pa din. Pinacheck ko po sa pedia via virtual consult lang po, inadvise na magchange kami ng fomula milk, pediasure, nestogrow, nido, lactum, lahat po yan triny na po namin. Yung pediasure at lactum ayaw niya ng lasa, sinusuka, dinuduwal po niya. Yung nido po sobrang tigas din ng popoo. Pag pinapakain din namin solid foods luke oatmeal, marie na biscuits, nagtitigas pa din po ng pooopoo. Ngayon nagswitch back po kmi sa nestogen2 kasi yun lang talga ang kahiyangan niya eh, hnggang ngayon po.. Trinatry po namin siya uli pakainin ng solid food gaya ng kanin po par di maging maselan habang lumalaki, pero nagcacause pa din ng constipation sakanya😖 dina po namin alam gagawin. Until now po kasi, wala pa din kami mahanap na gatas na hihiyang po sakanya. Pag meron naman, ayaw namn ng lasa. Bibo namn po si baby at malusog. Ang problema ko lang, ay yung pagcoconstipate niya kahit ano kainin niya ganon so parang nauuwi lang sya sa gatas na nestogen 2. Please help me what to do. Any recommendations po sa milk para sa mesalan na bby? Gusto ko na po siya ipacheck up talaga yung face to face check up para makita if ever na may problem po sa tiyan niya. Kaso nattakot po ako lalo na ngyon na napakadelikadong lumabas. #advicepls #firstbaby

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hello po mommy pa read nlng po ng link sana makatulong .https://ph.theasianparent.com/constipation-at-diarrhea-ng-baby