Mga momshy patulong naman po..

Wala po akong work , pero may account po ako ng SSS at Philhealth .. Ano po kailangan ko gawin , ngayon ko palang po aasikasuhin mga to kase nakaraan hindi ko talaga kaya , wala naman po akong husband na aasikasuhin ako , magiging single mom po ako , Ano po kailangan gawin sa philhealth,para kapag nanganak po less nalang po yung babayaraan at may makukuha po na pera sa SSS ? sana po may makasagot hindi kopo kase talaga alam gagawin ko mga momshy , first time mom po ako , 20 years old po.. 26 weeks napo akong preggy , sana po may makapansin ng post ko salamat po .. #firstTime_mom

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

If may philhealth ka na, need na may updated bayad po yun bago maavail ang philhealth disc. If im not mistaken, fixed ang disc ng philhealth if normal delivery -6k, and pag CS naman nasa 21k. sa philhealth online site meron dun pwede ka makakuha ng MDR. if wala pang philhealth, need mo pumunta sa philhealth office para magregister at kumuha ng account. For your SSS (lalo if voluntary memeber ka), kung may hulog ka from July 2021- September 2022 (atleast 3months dyan) pwede kang makaavail ng mat benefit (file ka lang sa sss online ng maternity notification o yung mat1, then pagkapanganak, submit mo yung birth cert na certified ng civl registry for your mat2- sa online din, then wait ka lang if approved or hindi). pero kung di ka nakapaghulog o within sa months na nabanggit ko, di ka na po makakakuha ng sss mat benefits since nasa 26weeks ka (so nasa March ang due month mo) dahil may months of contingency na rule ngayon ang sss.. Di rin po kasi pwede nang habulin yung mga past months na di nahulugan incase na habulin mo man since tapos na yung date na valid for your months of contingency-until september 2022 lang.

Magbasa pa
Related Articles