No sign of pregnancy

Wala po akong sign of pregnancy normal po ba yon? Kahit sa pag sakit ng breast wala. Nag PT na po ako 3times puro positive. 5weeks na po base sa LMP.

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

MagpaTVS muna po kayo to confirm your pregnancy. Not every positive PT is pregnancy. To answer your question,yes,normal na may buntis na walang maramdaman na symptoms. Do tvs to confirm pregnancy first,and schedule an appointment with OB para kung buntis ka man,makainom ka ng mga vitamins na kailangan ni baby and para masagot na din ng eksperto mga katanungan mo.

Magbasa pa
3w ago

Maganda po talaga na matutukan kayo para di na po maulit na magMC. Kung pababayaan niyo po pagbubuntis niyo,may chance po na maulit yon lalo at may history kayo. Dapat po sa mga katulad niyo/naten na may history of MC,once na malaman nilang buntis sila, consult OB na po agad para maresetahan pampakapit

advise ko magpacheck up po agad lalo na kung may history ng miscarriage. nabasa ko sa previous question mo nangyari nung feb this yr, masyadong recent pa po kaya need mo pumunta sa ob hindi pa nakakapagpahinga matres mo

mas ok na pumunta agad sa OB. mga ganyang weeks wala ako morning sickness pero may tender breast ako saka antukin tapos missed period syempre kaya one time na nag positive sa pt, nagpa check up agad.

yes.. ako wala din sign of pregnancy, never nag lihi o nasuka, sa food wala din pagbabago sa lasa. parang normal lang.di rin ako masyadong antukin mi ....

Same mi. Positive ako pero wala symptoms. Ngaptsek nadin ako sa OB too early for TVS padaw balik after 2 weeks

3w ago

Last mens ko po ay march 7, pero ang ovulation ko po based sa discharge ay april 19

VIP Member

Pwede naman po lalo na't maaaga pa. Better pa check up po para matanong niyo po lahat sa OB

Super Mum

yes. if hindi pa nakakapagpa prenatal check up, best if you can have it scheduled na rin.

yes po momshie normal po may iba walang nararamdaman pero ung iba sobra naman

Yes, magkakaiba po ang pregnancy journey.