Question Filter

Wala ba talagang nagmomonitor ng questions dito? Or filter man lang para matanggal yung mga unanswered questions na ilang buwan nang di nasagot? Pansin ko kasi ang daming nagtatanong kung normal daw ba ang result ng lab test, ultrasound, etc. Meron pang nagtatanong about sa gamot na di naman nagpacheckup sa pedia. Sa mga bagay na ganyan, parang delikado atang dumepende sa sagot dito lalo na at mga 95% ng mga members dito eh hindi naman health care professional. Maliban sa dangerous dahil baka mali ang advice na makuha, nakakadagdag pa sa stress yung magkakaibang sagot or yung hindi agad makakuha ng sagot. May mga bagay na doctor lang ang makakasagot dahil syempre inaalam nila buong medical history mo and stuff. Sana may tumitingin ng mga ganung klase ng post. Opinion ko lang naman. Mas nakakatuwa pa rin yung makabasa ng labor and birth stories, kahit nga mga rant tungkol sa mga LIP at MIL. At least sa ganun, hindi in danger ang health ni mommy or baby.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Agree ako sayo Mamshy! Meron pa nga ako nabasa na post (At talagang nag reply ako sa mommy na yun) Dahil grabe ang pantal ng anak niya eh tinanong pa dito kung ano daw ang pwedeng ointment na ipahid. Nagalala na ako sa bata pinayuhan ko dalhin na sa Pedia agad pag ganung klaseng eksena, wala ng tanong-tanong! Lalo pag emergency na ganun. May mga nababasa pa ako na 38 weeks pregnant at dinudugo na eh tatanong pa kung risky na daw ba? Sinagot ko din, RISKY NA PO CONTACT OB IMMEDIATELY! Haay sana po filter niyo na Agree ako Mamshy mas ok na ako sa mga pang Tulfo-material na relationship stories HAHAHAHA

Magbasa pa