ayaw na makipag do ni hubby

wala ako makausap kaya dto nalang ako nagpopost. sobrang nalulungkot ako.. gabi gabi ako umiiyak. simula nanganak ako nawala na intimacy namin ng partner ko.. 2 months na si LO. hug, kiss, makelove.. kahit anong parinig o hint ko parang ayaw nya na talaga. tinanong ko naman sya one time sabi nya gusto naman daw nya pero lagi niya ako tinutulugan. di ko masabing pagod sya kay baby dahil ako mag hapon ako ang kumikilos. aside sa trabaho ko (homebased) ako din hugas bote ni baby, patulog, patahan, paligo palit diaper. luto ng pagkain, linis ng kwarto, at ako din ang nag pupuyat.. lahat yan napag sasabay ko.. pero sinusubukan ko padin best ko to find time for intimacy kahit pagod na pagod ako. sa tuwing susubukan ko humalik man lang parang nandidiri pa sakin. ok naman kami pero wala na talaga yung tulad ng dati. sobrang nalulungkot ako. para kaming magkaibigan na lang. di ko alam kung OA lang ba ako o ano.. gabi gabi ako umiiyak. Gusto ko lang naman maramdaman uli na may asawa ako.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

talk to him po. ask mo anong problema. kasi baka natatakot siya makipag do sa inyo kasj bagong panganak lang kayo. kami kasi ng asawa ko halos 4 mos bago ulit nag do, takot pa kami nun. pwede din naman pagod siya sa ibang bagay or sadyang may dinadalang isipin na di niyo alam. nadadaan naman po sa pag uusap yan mommy. kailangan niyo lang din itaon na nasa mood kayo both.

Magbasa pa