In Doubt

Wag niyo po sana ako i-bash. 9 weeks preggy na ako. Pero, hindi po ako excited kasi hindi pa alam ng parents ko. Nag sasama na po kami ng boyfriend ko na hindi alam ng parents ko. Gulong gulo po ako. 21 years old pa lang po ako. Ini-isip ko kung paano ko ipapa-alam at susuklian lahat ng paghihirap ng magulang ko noong college pa lang ako. Wala po ako work ngayon at alam nila nagwo-work ako. Nako-konsensiya po ako. Kahit excited si bf dito sa baby namin at pananagutan ako, nakakapag isip parin po ako ng hindi maganda. Share ko lang, sobrang hirap na po ako. Salamat po!

56 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Habang maaga pa ipaalam mo n po ito sa parents nyo,mas mskit kng s iba p nila mllmn. Natural n mgglit t mssktn cla pero in the end ttngapin po nila yan, mgpakumbaba lng po kyo at aminin ang pgkkamali. Ang magulang lgi yang umuunawa t hnd mwwla ang pgmmhal s mga anak. God bless po!

Sabihin mo na mamsh. Mas makakabuti yun and mababawasan lahat ng iniisip mo. Nakaka stress yan kawawa naman si baby. Magpasama ka sa Bf mo na harapin ang magulang mo. Kaya nyo yan. Sa una lang yung kaba normal lang yun pero pag nasabi nyo na nakakaluwag yun ng kalooban.

Sabihin mo na sis. Ako nga hindi naman nagalit. Nagalit lang sila na hindi ko agad sinabi. Na mamaya sa iba pa nila nalaman. Sa una lang din naman yung galit galit na yan pero katagalan sila pa ang mag aadvice sayo kung ano ang mga dapat mong gawin.

Ganyan din ako noon kasi di naman kami ready. Parang ayoko sya ituloy. Pero dahil nandyan bf ko at maalaga sya nawala lahat ng worries ko. Sulit lahat ng hirap nung makita ko si baby ko especially yung first cry nya sa delivery room 🥰🥰

Better po na sabihin nyo na habang maaga pa. Handa naman panagutan ni bf. They will be disappointed, pero in the end naman anak ka nila at apo nila yang dinadala mo. Kesa mastress ka din sa kakaisip ng possibilities, better to tell them na

Ang tanging makakapagpalaya lang sa situation mo ngayon ay sabihen sa kanila ang situation para gumaan yang pakiramdam mo. Mga magulang mo sila miintindihan ka niyan sa una lang yan magalit..buti ka panga may magulang ako wala.

At the end of the day soon to be mamsh😊 parents mo parin ang makakaunawa at susuporta't gagabay sau sa journey mo. Tell them napo the sooner the better para mabunutan kana ng tinik sa dibdib

Tell ur parents na mommy. And nandyan naman si bf mo na handang panagutan ka. Magagalit lang sila sa una,pero matatanggap din nila at magiging excited jan sa baby mo.

VIP Member

The truth will set you free sis..Kung magalit sila accept mo at humingi ka ng tawad..mas magiging panatag ka at di stress dahil ramdam ni baby pag stress ang mommy..

Wag matakot magsabi ng totoo. Kahit magalit parents mo apo parin nila yan pinagbubuntis mo. Kaya tatangapin parin nila yan at patatawarin ka nila. Kc anak ka nila.

Related Articles