Handa ba ang iyong buong pamilya sa sakit na dala ng lamok?

Uy momsh! Nakapanood ka ba ng FAMhealthy Live Session last Monday? Yung about sa lamok, at sa mga posibleng sakit na dala nito. Very timely talaga ang topic na to dahil panahon na naman ng tag-ulan at panahon na din ng tag lamok. Marami sa atin, ang alam ay "Dengue" lang ang maaari natin makuha sa lamok kapag nakagat tayo nito. Pero hindi lang pala dengue ang dala nito. Ang lamok ay isang klase ng vector bornes diseases. Ang Vector Bornes are cause by parasites. May 3 klase ng lamok ito ay ang: ✨Aedes - na nagdadala ng dengue fever, yellow fever, rift valley fever and chikungunya. Madalas itong mangagat sa umaga. ✨Anopheles - na sanhi ng malaria, ito ay nangangagat sa gabi. Majority nito ay sa Palawan. ✨ Culex - Japanese Encephalitis (isa sa may mataas na mortality rate dito sa pilipinas) Lymphatic filiariasos and west nile fever. Paano ba natin maiiwasan ang mga sakit na ito na dala ng lamok? Para sa iba pang information, maaari niyong mapanood ang replay sa theAsianparentPH Facebook Page or dito sa link na ito 👇 https://fb.watch/6q7u087MR4/ Kaya naman panatilihin nating malinis ang ating tahanan at kapaligiran. Dahil hindi lang sa kagat ng lamok tayo magkakasakit. Mas marami pang sakit ang maaari nating makuha kung hindi tayo mag iingat. Ugaliing magpakonsulta sa doktor at kompletuhin ang Bakuna! Huwag kalimutang sumali sa Team BakuNanay Facebook community kung saan malayang pinag-uusapan ang kahalagahan ng bakuna: https://www.facebook.com/groups/bakunanay #TeamBakuNanay #ProudtobeABakuNanay #AllAboutBakuna #HealthierPhilippines #VaccinesWorkForAll

1 Replies

VIP Member

Napanuod ko Ito mommy. Thank you so much for taking down notes. Import talaga na malaman ito para ligtas Dengue.

Trending na Tanong