87 Replies

Ang mundo ay isang malaking quiapo. Maraming snatcher. Nung magjowa pa lang kame ng asawa ko. Ilang beses ko din sya nahuli. Nun nagsawa na ako. Hinihiwalayan ko na sya dahil ayoko na. Ayon natakot ang loko. Hanggang sa ikinasal na kame. So far simula nun wala na kong nahuli sa kanya..kahit mga kalandian sa chat tinigil na nya.

Matagal na uso, ngayon lang talaga nagkakaroon ng lantaran na pangangabit dahil sa technology at social media. So far, faithful naman hubby ko. 10 years nga bago kami kinasal eh para makasiguardo ko. Marami nagbabalak sa asawa ko sa work niya kasi mejo mataas position pero wala eh, siya mismo nandidiri sa ibang babae 🤣

Ang swerte mo ganyan ang asawa mo, ang asawa ko nagpadala sa malalande saka lang niya narealized mga ginawa niya nung nahuli ko. CNt believed na may mga babae pala talaga na kahit may asawa ay nakukuhang makipagsex sa iba at alam niya na may asawa din. Hinde niya tinigilan ung asawa ko hanggat hinde niya natikman kahit na nagresign na sa trabaho gumawa ng paraan para magkita sila.. Reason ng asawa ko lasing na lasing siya kaya niya nagawa hinde nga siya ang nagbayad sa Hotel. Kaya ngayon pinagpepray ko na pagbayaran ng haliparot na babae na un ang ginawa niya sa relation namin na 8 years kong iningatan 😭

VIP Member

Matagal ng uso ang pangangaliwa ☺️ ako nga netong march ko lang nalaman na apat pala kaming babae nya eh 🤣 ang malala nabuntis na nya ako ng november tapos nakabuntis pa sya nung january . iwanan mo na momsh ☺️ sustento na lang hingin mo . mga ganyang klase ng lalaki sinusunog na sa impyerno ☺️

Usong uso po. 😂 yung sa exp ko 26 & 23 kami ni hubby. Si kabit 19 y/o. Hahaha. Kawork ni hubby. Ipapabarangay pa ako kasi ginugulo ko daw sila. 🤦‍♀️ Saka linyahan ng mga kabit "wala akong sinirang relasyon. Dahil bago pa maging kami matagal na kayong sira". Kakaloka. Sila pa matatapang.

Yung mga taong ganyan, walang faith kay GOD. Basta tayong mga asawa(wife) all we need to do is to feel our husbands na sinusuportahan natin sila, inaalagaan. May time dapat tayo sa kanila like "Husband and Wife Time".And also dapat sabay kayo magpray kay GOD. Yun lang.

Maging matatag ka sa lahat ng sitwasyon. Huwag ka papayag na ikaw ang maaapi lalo na kung ikaw ang legal wife. Ipaglaban mo kung ano ang dapat sayo. Ngayon kung ayaw na niya sayo. I-give up mo na. Sa bandang huli pagbabayaran naman nila ang ginawa nilang kasalanan.

Oo madaming makakati ngayon, tapos sasabihin pa syo wlang sinisirang pamilya dahil wla kaming anak, not knowing na buntis aq..sarap kamo sakalin..tpos etong asawa ko naman, napakagaling alam na buntis aq aba may babae pa..nakaka stress kaya..

Hindi natin deserve, yes. Choose happiness before loneliness and misery swallows you whole. Choose happiness for yourself. Choose happiness because that's what you deserve. Remember, a heart that always understand also gets tired. ☺️☺️☺️

VIP Member

same here pinagpalit kahit buntis nako at anak nya dinadala ko ngayon mas pinili nyang hindi kami magkabalikan at babae nya pinili ang malala pa sa situation ko is nagtutulungan pa yung dalawang babae nya na dapat mas inaalala nila ako kasi buntis ako

Yung ex ko pinagsabay kami ng ate ko at ng isa pang babae. Tapos yung ate ko alam nya na kami nung guy. Double kill ang sakit noh... but I am grateful na I found the best husband for me. Lahat ng pain natin may kapalit na magandang blessing.

Never in my dreams nga na magagawa saken ng kapatid ko yun, kilala sya sa pagiging mabait kahit dito sa family namin. It’s still a question bakit nya nagawa saken at nagagawa pa din kumabit hanggang ngayon? Pero sbi nga everything happens for a reason at lahat ng pain may purpose. Kaya ayun nag forgive na lang ako then nablessed naman ako ng mabuting asawa.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles