โœ•

87 Replies

VIP Member

I would just like to share my story bka makapulot din kayo ng lesson. Sorry sbrang haba nito. 11 years na kming kasal ng asawa ko. Plus ung 5 years na mag boyfriend, girlfriend kami. So 16 years na kmi together. Never sya nagkaron ng babae. Nagbarko na sya lahat lahat. 4 months lng syang tumagal kse hnd nya kinaya na malayo sakin kaya umuwi sya. I admit hnd ko tnreat ng maayos ung husband ko. Nataken for granted ko sya. Inabuso ko ung sbrang pagmamahal nya sakin. Ung tipong isusubo nlng nya ibibigay nya pa sakin. Ung ok lng hnd sya makabili ng gamit nya bsta ako mabili ko lhat ng gs2 ko. Khit ako ang may kasalanan sya parin ang nagsosorry. Sinisigawan ko sya pag galit ako. I have an anxiety skanya ko nabubunton lhat. Mdaming years na ganun ang naging situation namin. Hanggang 1 time nakakilala sya ng babae. I was blind sided. Bigla nlang sinabi nya na may mahal na syang iba. Pra akong pinagbaksakan ng langit at lupa. Muntik na nya kong iwan. Hinayaan ko sya. Pinakisamahan ko sya khit ganun na ang ginagawa nya kse alam kong kasalanan ko din kung bkt un nangyari. Naghanap sya sa iba ng pagmamahal na nagkulang ako na iparamdam skanya. Hnd tumagal ung relasyon nila. 1 month lng un tumagal. Wla din nangyari skanila alam ko un dhl kilala ko ung asawa ko mataas ang respeto nya sa mga babae. Khit na that time bulag na bulag sya sa kasamaan. Tlgang napariwara sya. Araw araw syang umiinom. So yun hinayaan ko sya. Inaasikaso ko padin sya khit na sbrang nasasaktan na ko. He also stopped praying. Eventually nagising sya sa kamalian nya. Na realize nya na binulag lng sya ng demonyo pra masira ung relationship namin. Kse kilala ko ang asawa ko. Sbrang mabuti syang tao. ung nangyari skanya pra tlgang ibang tao ung nakasama ko ng isang buwan. Mga maling tao ung sinamahan nya na akala nyang mga kaibigan. So ayun nga. Eventually nagising sya, bumalik sya sa Diyos. Na realize nya na hnd nawala ung pagmamahal nya sakin. Naitago lng to ng galit nya sakin. Inayos namin ung relationship namin. Nagtatalo padin kmi pero pinaguusapan na namin ito ng maayos. Mas grabe ung pagmamahal nya sakin ngayon dhl nga hnd ko sya sinukuan. Tinulungan ko syang bumalik sa Diyos. Ngayon we're expecting. Im 3 months pregnant. Sbrang maayos na kmi ngayon. This happened 1 year ago na pla. So ayun nga Ung pagmamahal nya sakin noon mas nadagdagan ngayon. Sbrang ramdam na ramdam ko un. At ngayon mas pinahahalagahan ko na sya ngayon. Itinama namin ung mali sa amin noon. And sbrang masaya na kmi. Cgro mga sis sa nakaka experience nito ngayon ang maiaadvice ko lng. Ianalize nyo din muna ung situation. Bka may mali din sainyo kung bkt nagloko ung mga asawa at bf nyo. Kse minsan sinisisi natin lhat sa partner natin to the point na hnd natin nkikita ung mali sa atin. As for me prang 2nd life namin ito. At nagpapasalamat kmi sa Diyos dhl inayos nya kami. Kailangan muna namin masaktan lalo na ako pra malaman ung halaga ng isat isa. Pra maayos ung mga mali sa pagsasama namin. Kse mahal tayo ni Jesus. God bless mga sis!. Sna may mapulot kayo sa mahabang post ko. ๐Ÿ˜Š

Di nyo po ba sya kinukulit sa pangbababae nya? Ako kasi tinatanung ko ng tinatanung. Nabuntis nya pero nalaglag ung bata

Naranasan ko na yan ilang beses na nung bago palang kame hindi ko sya masisisi kase ginawa ko syang panakit butas pero ilang days lang minahal ko na sya dahil sobrang caring nya sobrang galang nya sobrang sweet pero sobra din magchat kung kani kanino๐Ÿ˜”one time nasa school ako nabasa ko sa chat na nakikipagkita sya thanks god maarte yung babae gusto may motor e wala nun asawa ko๐Ÿ˜meron pa nakipaginuman sya sa babaeng nagcomfort sakanya nung malungkot sya pero putangina yung babaeng yun nagchat pa saken sa kesyo tanggalan daw ng bayag yung mga ganung lalake tas putangina malalaman ko nakitapaginom pala sya sa asawa ko?ayun everytime na makikita ko sya tinatarayan ko misan inaasar ko pa sya sa asawa ko, meron pa di pa dun tapos, yung dati nyang account chinachat nya dun yung ex nya nalaman ko lang nung sinabi nang kapatid nya nung nagaway sila๐Ÿ˜žtas ito yung pinaka malala katabi nya ko nun tulog ako nagulat ako ginising nya ko umiiyak sya sorry sya ng sorry tinanong ko sya kung bakt sya umiiyak tas pinabasa nya chat nila nung girl nabasa ko humihingi ng picture buti nalang si girl hindi pala patol sa mga ganung lalake sinabi nya na ipopost nya asawa ko tas sabi ng asawa ko baka daw malaman ko minura sya ni girl dahil may gf na daw sya lumalandi pa sya,sana lqhat ng babae katulad nya pinost nya nga asawa ko pero hindi ako nagalit kay girl tama yung ginawa nya, pero kung pinatulan pala sya ni girl baka di na rin sabihin saken delete agad๐Ÿ˜”ang bigat lang sa pakiramdam na katabi nya nako naghahanap pa sya ng iba๐Ÿ˜Ÿpero never kong binalik sa kanya yung panloloko, may takot ako sa dyos kahit di pa kame kasal, mahal na mahal ko asawa ko hindi lang ako showy ayun yung pagkakamali ko siguro dahil na rin sa ginawa nya saken kaya ako ganun๐Ÿ˜ž

actually oct 2018 pa naging sila nung kabit nya.. then nahuli ko May 2019.. naging magulo buhay namin dahil LDR kami.. gusto ko na sumuko.. gusto ko na iwan sya kaso hindi nya kami kaya iwan.. ginawa ni hubby sya nakapaghiwalay sa girl.. akala ko okay na until umuwi sya ng sept.. nagkataon na yung work nya (local) eh may project sa bulacan.. so nagkaroon sila ng chance na magkita at magsex.. at first gusto lang ni hubby tikman si girl kaso hindi na sya binitawan ni girl dahil ginugulo na sya sa trabaho ng pamilya ni girl.. then found out na naging sila ulit last oct 17.. sobrang sakit.. sobrang iyak ko nun.. pinapalayas ko na sya kaso ayaw nya lumayas.. nakapaghiwalay sya ulit sa girl.. kala ko magiging okay na until nagkabalikan na naman sila.. nov 15 naghiwalay na sila dahil sinabi nila.. then found out na buntis ako.. muntikan na ako makunan dahil sa kagagawan nila.. sobra akong stress.. tapos inayos nya ulit relasyon namin dahil buntis nga ako.. then last dec 9.. tinext sya nung girl inuto sya about sa motor.. kesyo bibilhan na sya.. eh naniwala asawa ko.. ayun nagkabalikan ulit sila.. nalaman ko lang last dec25.. kasi inopen nila yung dummy account nila sa messenger na naka save sa phone ng asawa ko.. nilayasan ko asawa ko kahit delikado bumyahe para sa akin.. sobrang iyak ko.. pinapalayas ko na sya kaso matibay asawa ko.. last dec 27 tumatawag pa sya sa asawa ko.. minura ko na si girl dahil nanggugulo pa rin.. sabi ko ipapahiya ko talaga sya pag di pa sya tumigil.. i still pray na sana hindi na nya kami guluhin.. patahimikin na sana nya kami.. hindi natin deserve ang maloko or lokohin.. hindi natin deserve ang umiyak.. at hindi natin deserve na masaktan.. well for me, pakatatag ka na lang momsh.. alam ko kaya mo yan..

I didn't my know if May nangyari sa kanila but Yung feeling na isang araw parang may nag whisper sayu na puntahan Ang bf mo sa work place Niya. I was sleeping on his car while waiting for him. Biglang may nag attempt na e open ang passenger seat, akala ko bf ko but it was his colleague. My bf said to the girl, natutulog ako sa passenger seat. Then they seated on the back seat. Dinodrop namin Ang colleagues ng bf ko Everytime uuwi na kami. But I was shocked Kasi Hindi lng sila drinop but hinatid talaga and the girl asked na balikan sila. Akala ko wala.lang Yun, but he told me na pupunta daw Muna siya sa barko Kasi tinawag siya ng boss Niya. Then ihahatid nalang Muna Niya ako sa bahay. Usually, sinasama Niya ako sa barko or anywhere he goes kahit NASA work siya. Hinayaan ko nalang, he promised to come home before 11 pm. Natulog Lang ako sa.bahay. until parang may gumising sakin tapos nag sink in lahat ng nangyari. Na might be, my bf is cheating. Na realize ko na while I'm very busy sa work, at hindi Niya ako ma hatid sundo. Busy pala siya kakahatid sa iba. Nag war kami and nag investigate ako. Wala akong concrete evidence but may naka delete na message. That's why he's so cold and became completely a different person. I was too dumb and innocent na pwede palang gawin Yun sakin kahit ibinigay ko lahat and inalagaan siya.

Hinde ka po nagiisa ๐Ÿ˜ญniloko din po ako ng asawa ko at pumatol siya sa isang babae na may asawa din! May mga babae talaga na walang respeto sa sarili at walang kunsensiya ang tawag sa mga yan ay mga mababang uri! Dapat mawala na sa Mundo ang mga kagaya nila para wala ng relasyong mawasak ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญtulong tulong po tayo magpray para puksain na sila ni Lord! Ako yan nalang po ginagawa ko pinag pasa Diyos ko na lahat dahil alam naman natin na walang kapatawaran yang ginagawa nila. Ung asawa ko todo hengi ng Sorry hinde naman niya mahal ung babae naging gago lang daw siya pero ako daw ung mahal niya natatakot lang daw siya umamin sa akin kc ayaw niya akong mawala! kaso huli na ang lahat kc wala na ung respeto, tiwala at pagmamahal ko sa kanya pero dahil kasal kami hinde ko siya iniwan kc kahit saan ako magpunta ramdam ko ung sakit! Nanatili ako para makita ng asawa ko ang sinira niya! Pakatatag kalang gamitin mo nalang ang utak mo huwag puso. Kung kasal kayo huwag mo hayaan na mging masaya ang asawa mo sa iba pwede mo sila kasohan para magtanda sila! At pagpray mo din lagi na mapanagutan nila ang ginawa nilang panloloko sayo!

lagi naman nauuso ang pangangabit. share ko lang di naman siguro nambabae ang asawa ko kahit sa trabaho nila usong uso daw yun nagkwekwento kase sakin asawa ko about sa work nya kung ano nangyayare ( may pagka tsismoso lang ang lolo nyo๐Ÿ˜‚) then isang gabi nagkwento sakin ang asawa ko na yung kumpare nya daw ay nambababae na and ka close ko din naman yun kumpare nya at yung asawa non na buntis ngayon ,so pinakiusapan ako ng asawa ko na wag ko daw sasabihin kahit kanino ,kaso lang naaawa ako dun sa asawa nung kumpare ng asawa ko magkakasecond baby na ,sabi kase ng asawa ko kaya lang naman daw nagawa yun nung lalaki dahil ilang beses nya ng nahuli yung asawa nya na may kausap na ibang lahi at ang topic ay about sa sex at sizes ng mga t*t* ng lalaki kaya siguro nam bababae na ngayon yung kumpare ng asawa ko ๐Ÿ˜” so ako naman nakukunsensya at the same time quiet na lang kase ayaw naman namin madadamay pinagpepray ko nlng yung dalawanc mag asawa na yun kase parehas sila may nagawang mali. ๐Ÿ˜”

Ayokong maranasan yan just like my mama. Oo papa cheated when weโ€™re in highschool, I admitted na babaero si papa lakas manbola. Pero mama had a good fight in there relationship may times nga na pinalayas si papa at dinala kami(i donโ€™t remember na why they had fought like that), it happened when I was 8 years old ang hirap sobrang hirap na mawalay kay mama. Pinaka masakit lang at a youbg age we had to chose kung kanino sasama(thats our thoughts ng kapatid ko). Buti na lang bumalik si papa kay mama and naging okay din sila. Grabe ang struggles ng relationship nila. And now theyโ€™re married for 23 years and still strong parin kahit nagtatalo. Dependi na talaga sa tao yan kung di na niya kayang ipaglaban pa kung ano man ang meron sila. Now Iโ€™m living with my partner and soon weโ€™ll have a baby. Di ko pa nakitaan na nagloko sya sa babae. Ang alam ko lang sya ang niloko. Sana may lesson kayo napulot sa post ko. Thanks for reading ๐Ÿ˜‰.

Before, nagcheat din siya sakin. For 6 years nagkaroon ng 4 girls ? Ata ? Hahahaha. Pinatawad ko paulit ulit. Now, may baby na kami, once maulit, hindi na pwedeng patawarin pa ulit. Luckily, since i got pregnant nagbago siya on his own. Sana tuluy-tuloy na. Yes, we dont deserve it pero ako naman pumili non at alam kong kasalanan ko. Pero ngayon na may baby na kami, iba na. Ayoko maranasan ni baby mga naranasan ko / namin. We both came from a broken family. Ayoko mangyari kay baby yun. Kaya sinabi ko na kapag ayaw niya na, just tell me and i will set u free. Its better na mag co parents nalang kesa magtalo everyday na nakikita ng bata. Kung mahirap satin yun, mas mahirap sa bata yun. Based on experienced. How i hope na sana lahat marunong makuntento. Na sana walang babaeng niloloko, na sana walang bata na umiiyak kapag nagtatalo yung parents niya. Godbless satin lahat.

Ako dati danas n danas ko to s ex ko yung ginawa ko na lahat bngay ko n lahat pero nkuha pa dn mambabae ng paulit ulit..pero sv nga nla kpag d tlga nkalaan pra syo pilit n ilalayo syo n god yun cguro ndi lang mgnda yung expirienced ko kc nga ang daming sakit kong tiniis s panloloko nya skn dati pero in the end natauhan n ko n d ko deserved ang gnitong relasyon..and god is good tlga kc after a year ng breakuo nmin ng ex ko nkilala ko yung hubby ko ngyon na mssv ko n perfect man para skn, bukod s loyal, npaka responsable pa nya, family oriented at ni mnsan s relasyon nmin ndi nmin npagawayan ang mga babae o lalaki..and were married and mgkaka baby n dn kami..๐Ÿ˜Š wlang sakit ng ulo ,wlang stress s mga kabet na yan kc matibay hubby ko s mga temptation kc pra s knya malas s negosyo ang mga kabet๐Ÿ˜๐Ÿ˜

uso, minsan maiisipnalang natin tayo ba nagkamali sa lalaking pipiliin natin. dahil hindi naman mag kakaroon ng kabit kung hindi din lalandi ang mga partners natin. I am 6 months pregnant when I found out na nag chicheat sakin ang partner ko. Nag sesex din sila, alam ng babae na buntis ako. nag kikita sila. Nag kakasama. At ang masakit pa doon, yun na yung babaeng naging dahilan ng break up namin nung mag jowa palang kami. Minsan mas masakit yung iisang babae lang yung paulit ulit na ngging dahilan means there is really totoo na nangyayari between them. Masakit, but maybe may love talaga na nabubuo sakanilang dalawa. Learn to forgive, pero never give another chance. Giving a chance means giving another chance para maloko uliii. Hehe

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles