βœ•

Mga momshies pahelp po... Is it Ok to switch baby formula without consulting pediatrician?

Unang tanong na pumasok sa isip ko. Last January nun nag 6mos si baby so, kinailangan niya magbago ng milk from 0-6 mos. need niya 6-12 mos. Sa umpisa mabasa ang ? niya as in literal na basa pero ang kulay "yellow" naman kaya isip ko baka normal lang or nag aadjust lang. Nagworried lang ako kasi halos mag 9mos na si baby walang pagbabago dahil sa loob ng isang araw 5x to 6x siya magpoop medyo alarming, diba? Kasi di normal dahil ang normal is 3x a day. So, what I did nagtanong tanong ako sa ibang momshies may nagsasabi baka daw nag ngingipin lang si baby, pakainin daw solid food iwasan daw always dede at iwasan makahawak ng mga bagay na pwede isubo sa bibig lalo na't marumi dahil hilig na nila ang pagsubo sa bibig para kagatin hmmm, nakampante naman ako baka yun nga since every month naman may development sa mga babies natin. Nawala mga worries ko. Then, 1 day bigla ulit ako kinausap ni mama "bat daw ganito, ganyan, ganun parin daw poop ni baby mabasa parin eh" kumakain naman siya solid food and everytime maglinis ako feeding bottle niya pati mga toys niya linis rin, walker, stroller etc. Sinunod ko naman lahat. Heto naman akong nanay ni Vale kinabahan at natakot baka mapaano ang baby ko at napaisip kaya siguro di ganun kataba si baby dala narin sa digestion ng tummy niya panay poop. Isip ko bat wala akong magawa...indi naman kami makabiyahe pa-Kalibo dahil sa quarantine at di ganun kadali macontact pedia ni baby. Until, kinonsult namin si tita na nagwowork sa brgy health worker then she said baguhin daw milk ni baby palitan ng "Bonamil" sa una parang ayaw ko pa kasi kung icocompare ko yun milk niya from S26 to Bonamil malayong malayo. Hanggang nag usap kami ni mister at inexplain niya ng maayos. "Aanhin daw ni baby ang mahal na gatas kung di naman kaya ng tiyan at di normal pagpoop". Wala naman siguro masama kung i-try namin kay baby kahit 1 week. Last Sunday April 19 unang palit ni baby and tomorrow siya mag one week. THANKS God! Okay na poop niya buo na. Wala nga lang ako picture ng poop ni baby na buo. Next time picturan ko. HAHAHAH... Wala pala sa pamahalan ng gatas depende kung saan pala mahiyang si baby. Pero after quarantine need parin namin advise ng pedia niya...?? Happy si baby. Nakatipid si nanay at tatay!

14 Replies

sis ganyan din ang baby ko,salamat nag ka idea ako kc ngaun yan ang provlem ko dati milk nia enfamil premature kaso ng out of stock na kaya palit naman ako ng PRENAN kaso since mhina ang delivery s mga pharmacy wala n stock so ngaun NANTWO nmn ulit and naubos n naamn stock kaya ng s26 ako pero since pag gamit ko ng NANTWO palagi cia ng popo after mag dede since 7 montha n cia at may tumutubo n ipin sabi baka un ang cause pero ng nag s26 ako pakatapos nia lng mag dede ma poop na cia..ano kaya kun itry ko din yan sis BONamil?

Try niyo po mumsh...😊

Yong 1st child ko s26 din yong milk nya. Always constipated sya. Cguro depend sa baby. Kasi halos lahat na ata ng milk natry ko na sa kanya but never bumabasa poops nya. Always constipated until now na mag 7 years old na sya never pa sya nag ka diarrhea. Much better cguro consult ka sa pedia mommy kasi baka d hiyang c baby sa milk nya. Mas safe if pedia nya yong mag aadvise if anong milk ang pwd nyang gamitin.

VIP Member

Yes po. Ganyan din baby ko dati. Normal lang yan basta hindi pa masyadong solid food intake c baby. Nag start ako ng Bona kay baby tapos watery yung poops niya and palaging umiiyak hindi nauubos ang milk. So i change it ng S26 up until now 11 mos. Since ok kay baby nag stick na ako sa S26. As long as hindi irritated si baby especially ang tummy niya at hindi color black ang poops niya normal lang sabi ni pedia.

Okay noted mumsh..😊

Consult pedia, importante yan. May babies kasi na maselan ang tiyan, may hypo alergenic, may lactose intolerant. Di dapat basta basta nagpapalit ng gatas without consultation. Sabay mo nadin sa check up para hindi ka magastos at sasadyain mo lang si doc para magpa palit ng gatas.

Thats good to know, hoping all is well. Also, big factor yung pampaligo na water. If tap water prevent natin na malagyan yung bibig ni baby kapag pinapaliguan.

Okay lang siguro kasi akos a 1st baby ko, 3 months old na, since pinanganak siya at first lamang formula milk niya na Nestogen1, kasi di pa sya sakin natututo dumede. But along tge way pinalitan na namin ngayon bago sya nag 3 months ng Bona. Try mo Bona or Nestogen.

Ok and ty mumsh 😊

My baby is using bonna and nearly going to bonamil.. Price is not the issue ang importante is kung hiyang si baby..... Proud to share that my baby is mataba mabigat siksik at liglig 😁 And mostly never pa nagkasakit awa ni Lord.

Thank you mumsh 😊

VIP Member

Ok lng.... Gnyan din po baby ko nun.... Pinalitan lng namin brand ng milk nya.... Kc habang nadadagdagan month nya hndi na din nya ngustuhan lasa nong milk kaya ngtatae sya.... Try nyo pa palitan Brand ng milk nya

Oo be... Kung san sya hiyang c baby dun na lng... ☺️☺️ Baby ko din nong 1y/o na sya ayaw na din nya ng nestogen... Triny namin bearbrand ayw din nya.. And Alaska gatas nya dun hiyang sya prang d sya 3y/o tingnan... Kung san mura dun sya hiyang hehe

Same tayo sis nanhw two milk dati ni baby 6xaday sya mgpoop basa pa una kala ko nagaadjust lang si baby nagsosolid food na rin sya ganun parin kaya pnalitan ko ng bonamil dun palang gumanda poop ni baby

Same here...kaso medyo naconstipate si LO ko pero ngayon okay na ulit..sana tuloy tuloy na..😊

Pakainin nyo po ng solid para tumigas un texture ng poops nya. Baka nassobrhan sa dede kaya gnyan. As long nag gagain sya weight okay nmn

Yun prob ko diko alam weight niya coz of lockdown..btw thanks mumsh 😊

Wala po kinalaman ang pag iipin sa pag tatae....anyways...baka lactose intolerant baby mo need mo na mag tanong sa pedia

Okay po mumsh..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles