Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mother of Vale
s26 gold 1-3 yrs
Hello mumshies! Okay lang po kaya pinalitan ko agad ng mas early formula ni LO ng s26 gold 1-3 yrs ehh 3 days pa before siya mag 1 year old. Thank you!
cups
Good morning! Mumshies, totoo po ba itong nasa picture? Kakabili ko lang kasi yesterday training cup ni baby tas this morning bigla ko to nakita. Sayang kahit na mura lang bili ko. Pahelp po pls..
lotion
Ano po mas okay cetaphil lotion or aveeno lotion? Thank you mga mumsh!
Vitamins
Hello mumshies! Pwede po kaya kay LO ko ang Ceelin plus since Ceelin plain ang reseta sa kanya ng pedia niya wala kasi mabilhan out of stock dahil sa quarantine. Thank you po!?
Poop ni baby
Good morning momshies!!! ito na po yun actual poop ni baby since nagpalit kami milk niya from s26 to Bonamil last April 19..buo na po..normal po ba kulay ng poop? may kaunti lang po akong katanungan. Nakakaconstipate po ba ang Bonamil? Medyo constipated kasi si baby sa Bonamil yesterday po kasi hirap siya dumumi una buo poop niya then after 2mins nagpoop ulit may kasama ng dugo. Medyo kinabahan ako sabi baka nasugatan daw pwetpwet niya..hmmm nakakapagalala tuloy..☹️
Mga momshies pahelp po... Is it Ok to switch baby formula without consulting pediatrician?
Unang tanong na pumasok sa isip ko. Last January nun nag 6mos si baby so, kinailangan niya magbago ng milk from 0-6 mos. need niya 6-12 mos. Sa umpisa mabasa ang ? niya as in literal na basa pero ang kulay "yellow" naman kaya isip ko baka normal lang or nag aadjust lang. Nagworried lang ako kasi halos mag 9mos na si baby walang pagbabago dahil sa loob ng isang araw 5x to 6x siya magpoop medyo alarming, diba? Kasi di normal dahil ang normal is 3x a day. So, what I did nagtanong tanong ako sa ibang momshies may nagsasabi baka daw nag ngingipin lang si baby, pakainin daw solid food iwasan daw always dede at iwasan makahawak ng mga bagay na pwede isubo sa bibig lalo na't marumi dahil hilig na nila ang pagsubo sa bibig para kagatin hmmm, nakampante naman ako baka yun nga since every month naman may development sa mga babies natin. Nawala mga worries ko. Then, 1 day bigla ulit ako kinausap ni mama "bat daw ganito, ganyan, ganun parin daw poop ni baby mabasa parin eh" kumakain naman siya solid food and everytime maglinis ako feeding bottle niya pati mga toys niya linis rin, walker, stroller etc. Sinunod ko naman lahat. Heto naman akong nanay ni Vale kinabahan at natakot baka mapaano ang baby ko at napaisip kaya siguro di ganun kataba si baby dala narin sa digestion ng tummy niya panay poop. Isip ko bat wala akong magawa...indi naman kami makabiyahe pa-Kalibo dahil sa quarantine at di ganun kadali macontact pedia ni baby. Until, kinonsult namin si tita na nagwowork sa brgy health worker then she said baguhin daw milk ni baby palitan ng "Bonamil" sa una parang ayaw ko pa kasi kung icocompare ko yun milk niya from S26 to Bonamil malayong malayo. Hanggang nag usap kami ni mister at inexplain niya ng maayos. "Aanhin daw ni baby ang mahal na gatas kung di naman kaya ng tiyan at di normal pagpoop". Wala naman siguro masama kung i-try namin kay baby kahit 1 week. Last Sunday April 19 unang palit ni baby and tomorrow siya mag one week. THANKS God! Okay na poop niya buo na. Wala nga lang ako picture ng poop ni baby na buo. Next time picturan ko. HAHAHAH... Wala pala sa pamahalan ng gatas depende kung saan pala mahiyang si baby. Pero after quarantine need parin namin advise ng pedia niya...?? Happy si baby. Nakatipid si nanay at tatay!