#MagandangGabi

Unang nangyari ito noong ako ay high school (2010), habang ako ay natutulog bigla na lang akong nagising, pagmulat ng aking mata, may isang madilim na anino sa akong harapan. Kulay itim lamang sya. Hindi ako makasigaw kahit gusto kong sumigaw. Kaya nagtalukbong ma lang ako ng kumot at pinilit matulog. Minsan isang umaga, nagising ako, sobrang liwanag na ng sikat ng araw. Pero nagulat na lang ako nang biglang makita ko ang sarili ko na natutulog pa rin. Walang boses na lumalabas sa aking bibig, kahit nagsasalita ako. Pilit kong inilalagay ang sarili ko sa sarili kong nakahimlay sa higaan pero hindi ko magawa. Ilang beses kong sinubukang bumalik sa katawan ko pero di ko magawa. Hanggang sa nagising na ako! Sa wakas! Nagising na ako! Salamat sa Diyos at binigyan pa ako ng isa pang buhay. Akala ko ay yun na yon at di na mauulit. Hanggang sa nagttrabaho na ako. Dumating yung time na nangyari sya ulit. Nakita ko na naman yung sarili kong natutulog. Hindi na naman ako makagalaw. Sobrang pasasalamat ko sa pinsan ko kasi ginising nya ako. Narinig daw nya kasi akong parang umiiyak. Buti na lang ginising niya ako. Sana hindi na ulit mangyari. Sanaaa. Ps. Nangyari din sakin yung akala ko may tao, kasi nakita kong may dumaan sa bintana pero nung lumabas ako wala naman pala. 🥲 #MagandangGabi

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

🎃😱🎃