Away
Una kong install ng app na to at basa sa newsfeed nakita ko may nga tanong na madali lang isearch o kaya naman kahit papano general knowledge pero tinatanong pa din ng iba. Pero nakita ko kahit ganon madame yung nasagot ng maayos dun sa tanong na yon. Kahit yung iba paulit ulit na. At hindi binabash. Pero ngayon meron ng nagagalet na kesyo ganto kesyo ganyan tas madame na ko nakikita ngbabash dahil sa mga simpleng post lang ng iba. At recently namn yun mga mahilig magpalike naman yung napupuna. Di maganda s pakiramdam na buntis ka at emosyonal pero may makikita ka na nagaaway. Yung iba nagmumura at kung ano pang below the belt na sinasbe kahit sa simpleng tanong o pakiusap lang ng iba. Sna mas maging understanding tayo sa isat isa. Kung di ka pabor or di mo kaya magsbe ng d naman maganda na salita at d nakakatulong, tahimik nalang. Kung d mo kaya tiisin uninstall mo yung app. Wag sana gawing toxic kase d maganda yun lalo na at ginawa to para sten na mga buntis or expecting moms o mga nanganak na. Mas emosyonal tayo ngayon. Sna tulungan nalang kesa hilahan pababa.