False Labor vs Actual Labor

Hello umagang kayganda at kay sakit po ng tiyan ko mga mommies. Parang may gusto na pong lumabas. First time mom po ako pero 35 weeks pa lang. Pwede po bang magtanong. Paano nyo po malalaman na false labor lang ang nangyayari sa inyo at hindi pa po labor na talaga. Salamat po sa inyong mga sagot mga mommies.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Braxton Hicks or False Labor kapag sumakit/humilab/nanigas ang tyan mo pero nawawala kapag ipinahinga or itinulog. Labor kapag sumakit/humilab/nanigas ang tyan mo pero hindi nawawala kahit ipahinga or itulog..

2y ago

Welcome po ma'am.