Team March
Turning 32 weeks this week, FTM po ako. Actually pangalawang pagbubuntis ko na po ito but unfortunately nakunan po ako dun sa una. Thankfully nakausad usad naman po dito sa second kahit na maselan pa din po pagbubuntis ko kasi mababa daw po pwesto ni baby. Noong 6 months ko po Nagkaroon po ako ng discharge at nanakit po ang tiyan at balakang ko nun, kaya nagpacheck up po ako at mababa daw nga po pwesto ni baby kaya pinagbedrest po ako. Ngayon pong turning 32 weeks na ako, bawal pa din po kaya akong magkikilos or maglakad lakad? Kasi natatakot po akong maglakad lakad ng mapapagod kasi baka po mag premature birth ako kay baby. Sino po kaya same situation sakin π. Inaalala ko din po kasi yung panganganak ko kung sakali baka daw po kasi mahirapan ako kasi hindi ako nakakapagbanat banat ng katawan?



