32 Replies
yung bilas ko maliit lang baby nya kahit na nag anmum sya. Baby ko 570grams na sya 22wks pa lang kahit na dapat 500g lang sya kaya parang malaki si baby 1 beses nga lang ako uminom nyan kada araw di naman ako masyado sa rice at most of the time saging, yogurt at apple lang breakfast ko, sa lunch lang ako nagkanin at oatmeal lang sa dinner. nagdecide ako uminom nyan kasi wala ako masyadong gana kumain during 1st trimester pang supplement lang mahirap na magkulang nutrients ni baby
dipende pa rin po sa diet at lifestyle na sinasabay nyo sa pagtake ng anmum ang ikakalaki. kahit anong sobra ay nakakataba. kung pagbabasehan ang sugar content ng anmun sa ibang maternity milk like enfamama, mas mataas sya ng onti (pero good enough lang para sa preggy, unlike ofcourse yung regular milk. ayun talaga ang nakakalaki kasi di naman formulated yun for pregnant eh)
hndi nman more on vitamins lalo s brain development ng baby. simula nalaman kong buntis ako yan lagi ko binibili choco at mocha. kaya din lumalaki ang baby s tyan yun ay dahil na din sa mga kinakain ng nanay kya kelangan diet at in moderation lalo sa mga bawal kainin o intake
since week 6 anmum na iniinom ko, okay lang naman weight ni baby sa loob. pagtungtong ng 31 weeks nagstop na ako sa milk, continue nalang po sa vitamins at more fruits and veggies po. 33 weeks na po ako ngayon and baby's weight is 1700g
siguro depende sa kinakain mo. kasi ako simula 2 months akong pregnant hanggang ngayong 8 months na akong buntis, anmum iniinom ko at okay si baby thanks God. siguro kung puro carbs kinakain mo doon lalaki si baby at puro matatamis.
hindi po. sweets po ang nakakataba sa baby and junk foods. eat healthy po. since nalaman ko pong buntis ako nag anmum na po ako lahat ng flavor natry ko haha. 2.350 lang po ang baby ko nung lumabas.
anmum user here. so far di naman po. nasa tamang size lang si baby. Depende po sguro kung mahilig rin kayo sa matatamis kasi yan po nagpapalaki ng baby. yung sweets
salamat po sa mga sumagot mga momsh, kabibili lang kasi ni hubby, matakaw p naman ako tapos maliit pa ako dko kc kaya na masyado lumaki si baby 😅
para sakin po ndi. kase ako nung buntis ayan ang iniinom ko tapos choco pa. sa ultrasound malaki size nya pero nung lumabas. 2.6kl lang
Hindi po totoo yan maganda po para sa buntis ang pag inom ng annum ang iwasan po ninyo ay ang matatamis yun po yung nakaka laki ng baby