Just asking..

totoo po ba na kapag maselan mag buntis ang isang buntis like (maselan sa pagkain, pang amoy) ay lalaki po yung gender ni baby? at kapag hindi naman mapili sa pagkain ang isang buntis ay babae ang gender nito? sana po may mag response. #pleasehelp #firstbaby #advicepls

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

no Hindi po 😅 Kasi sakin sobrang selan ko sa first born ko .lahat ata naranasan ko .naadmit pa ako sa hospital Dahil sa Pag lilihi . laging masama pakiramdam ko nun.at halos ayoko umalis ng kama ,kumain or uminom ng tubig .Ang masakit pa nun nag lalaway pa ako nun halos Di makatulog or makaalis Dahil mabilis mapuno ng laway bibig ko... ang ultrasound Lang po makakaalam ng gender ng baby nyo po.☺️

Magbasa pa
3y ago

baby girl po 🥰 mostly po na nakakaranas nung paglalaway girl po ang baby 🥰❤️

TapFluencer

No po. Maselan ako sa panganay kong babae. Super nahirapan ako magbuntis sa kanya. Sa pangalawa ko po lalake naman, wala po akong morning sickness o ano po. Naniniwala lang po ako na kapag blooming ka, babae ang anak mo. Kapag lalake naman, haggard at medyo nag-iiba mukha mo like lumalapad ilong mo. ☺️

Magbasa pa
3y ago

HAHAHAH nakakatakot naman po yung lalaki yung ilong. malaki na po ilong ko kahit nung di pa ako buntis HAHAHAH. I'm 13 weeks preggy na po 🥰

Maselan po ang pagbubuntis ko sa baby girl ko. Sa baby boy ko naman parang wala lang. But thanks God while buntis ako sa kanila, di ko naranasan ang maduwal sa mga niluluto, kasi fav ko ang magluto. Pero para sure po Mumsh, ultrasound po. 😊

Magbasa pa

ganyan ako sa first born ko baby boy. maselan ako sa pagkain, amoy suka ng suka, mastretch marks as in malala hormones ko. pero now buntis ako sa baby girl hindi po ako maselan sa pagkain, kahit ano natatake ko kainin

ako po mag 31 weeks na baby boy mahilig ako sa maasim yan pinalilihihan ko ranas ko sya sa pangatlo ko anak na lalaki di ako maselan kumain at yung 2 girls ko naman mahilig ako sa matamis at maselan ako.

3y ago

ako po di ko po talaga alam kung alin pinaglilihian ko nung una e. kasi sinusuka ko lang din po agad. gusto ko po palaging kumakain ng matatamis pagkatapos kumain. nakasanayan ko na oo kasi yon kahit di pa ako buntis hehe. pero tingin ko po nakakawala ng pagsusuka ko yung mangga na hinog kaya sa tuwing kakain po ako e panghimagas ko na mangga na hinig para di po ako magsuka after kumain. effective naman po. now po patapos na ako sa first trimester ko 🥰

may kakilala po kasi ako na kaibigan e sabay po sila mag buntis ng hipag nya. opposite gender po sila. yung hipag nya po is maselan (boy ang gender) pero sya hindi maselan (girl ang gender)

hindi po totoo yan mamshie ☺️ ako po sobrang gaan ng pagbubuntis ko. 1 beses lang ako sumuka at wala kong pinaglihian o naging maselan pero boy pa din si baby hehe ☺️

Bakit ako boy po bby ko hindi naman ako maselan sa pagkain wala akong cravings ni hindi ko nga naranasan yung pag lilihi na yan e, lumaki lang ilong ko.

hindi po mommy, maselan po ako ngaun at girl po gender ni baby. halos nagsusuka at nahihilo, tamad na tamad gumalaw pati gatas ko di ko mainum dahil naisusuka ko din.

hindi po totoo yan momshie ako baby boy hndi ako gano maselan pro sa baby girl ko sobrang selan ko dpende po din po sguro un .. sa utz pa rin po tau magbase🙂