Pamahiin about sa paglilihi. Is it true or not?

Totoo ba ang pamahiin na kapag naglilihi ka sa isang bagay, hayop , pagkain or tao . Magiging ganun din itsura ng magiging anak mo? Like sa pagkain pinaglilihaan ko now is yung kalamay so meaning ba nun is pag lumabas si baby yung skin niya is brown kahit maputi ako pero yung daddy niya kayumanggi? #1stimemom ##pregnancy #answermeplease

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi po momsh kasi yung asawa ko pinaglihi sya ng byenan ko sa champorado pero napakaputi nya po , ganon din po kuya ko pinaglihi ng nanay ko sa dinuguan at talong pero maputi kuya ko , yung baby ko naman po hindi ko po saan ko sya pinaglihi kase kahit ano po kinakain ko non nakahiligi ko mga chocolate flavor pati dinuguan at champorado kumakain ako at chocolate drink lagi iniinom ko pero maputi baby ko , nasa genes po natin yon .

Magbasa pa

HAHAHAHA yan ang katanungan na gusto ko ring makita sa iba. nag c-crave kasi ako palagi sa adobo so tinanong ko yung mas matatanda sakin kung pag ganun ba na adobo ang pinag lilihian ko dark ba ang kalalabasan ng skin ng baby ko sabi nila oo daw totoo daw yun. kayumanggi rin kasi asawa ko tapos ako naman maputi. pero di parin talaga ako agree kasi mas naniniwala ako sa science talaga pero nirerespeto ko naman yung mga nakaugalian nila.

Magbasa pa
3y ago

Ano kulay ni bby mo po? Hilig dn ako sa patis e

TapFluencer

ako po sa panganay ko naglihi ako sa halo halo.. hindi ako naibili ng asawa ko kaya kada tag init may lumalabas na balat na pula sa noo nya.. tapos po sa pangalawa ko gusto ko lagi dinuguan kaya sabi sakin napaka negra daw ng anak ko hahaha.. pero ngayon po buti nalang hindi lumaking negra ng anak ko.. mapuputi po sila siguro nagmana sa daddy nila..

Magbasa pa

Nasa genes nyo pa din mag asawa yan :D yun pa din ang basehan ng magiging itsura ng anak nyo. Yung panganay ko sa hubby ko pinaglihi tapos hilig ko sa dinuguan at chocolate. Maputi naman paglabas at mukhang reincarnation ng lolo ng asawa ko, e hindi ko naman inabutan at nakita ng personal yun. Malakas lang talaga dugo nila hubby. 🤷‍♀️

Magbasa pa
3y ago

pag po kasi ang mommy mahilig sa dinuguaan i think kasi mababa ang iron nya dat time kaya need magconsume ng mommy ng something iron sa katawan nya madalas po kasi sabuntos nakakaroon iron defiency kaya nga po tayo nireresetahan ng gamot pra pandagdag ng dugo.

d ako naniniwala na kapag nag lihi ka sa mga ganyan magiging kamuka mas naniniwala ako sa science kasi babase mo sa science dahil sa genetics ung kulay kunwari morena parents ni lola mo possible na mamana yung kulay ng parents ni lola hanggang sa generation mo kahit puro fair skin pa kayo @_@

TapFluencer

depende po yan,kung nag gigil ka po sa bagay o pag kain .. pero para sakin talong,saging na mag kadikit,luya,alimango,yan po ung d ko kinakain .. kc sa paniniwala .. ☺️☺️at subrang nag gigigil ako sa muka ng mr ko aun ung muka nya napunta sa 1st bb nmin which is bb girl😂

not true, nasa genes po yun. may times na nagkakataon lang mother ko naglihi ng puro chocolates sa kapatid ko tisoy paglabas, yung isa ko namang kapatid singkamas lumabas moreno which is reasonable since tisay and moreno parents ko kaya di ako naniniwala sa ganyan.

sa genes yan momsh. kung brown ang color ni baby paglabas, sa tatay nagmana since kayumanggi ang daddy. hindi lang sayo makukuha yung mga physical attributes nya since yung genes nya galing sa inyong dalawa.

d rin ako nani2wala sa Lihi. mahilig ako kumain at uminom ng anything yellow. mas nattakam ako pag ganun.. mahilig dn ako sa cheese.. pero ndi ibig sbhn nun e. paglabas ni baby e kulay yellow xia..

TapFluencer

manalangin lang po lagi, kapag nagke crave ka go lang wag nio po pigilan, hindi po lahat ng pamahiin pinapaniwalaan, mas maniwala po tayo sa Diyos, ang safety mo mamsh at ni Baby ang importante..