Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Household goddess of 2 naughty superhero
Nutramigen Milk
Tanong ko lang po kung normal lang sa baby na umiiyak sa gabi kada nag dede sya ng Nutramigen? Sa morning at buong hapon okay naman sya.. every night lang sya umiiyak.. Sana po may makapag bigay ng idea 😔 pang ilang palit na gatas ko na po kasi kay baby.. Maraming Salamat po♥️
Hello po mga miii!
Pde ko po kaya muna tanggalin yung binder ko? sobrang sakit kasi sa bandang puson parang may sunburn sya ang hirap kumilos lalo halos di na ko makakilos sa sobrang hapdi.. 12 days po ako ngayon after ko ma CS.. Salamat po
37 weeks and 5 days
Normal lang po ba na makaramdam ng paninigas ng tyan kahit mag uundergo ako ng CS? 3 days to go po kasi sched ng CS ko na.. minsan po kasi napapadalas yung paninigas e magmula kahapon ska masakit na ng konti sa singit. Salamat po sa sasagot mga mii 🥰🤗
Good morning po mga momsh 🤗
Ilang months na po papatak ang 21 weeks? Posible po kaya na makita na yung Gender ni Baby? Thank you and God bless po ❤️
Good evening po mga momsh! 16 weeks and 1 day preggy
Tanong ko lang po kung may naka experience na po dito na masakit yung kalahating pisngi ng pwet? yung parang may ipit ugat or parang feeling na bugbog sa loob ng pisngi.. normal lang po ba yun? any home remedies na pde po gawin para malessen yung pananakit.. Thank you po ❤️
Good morning po mommies!
Tanong ko lang po sana kung 4days delay posibleng buntis na po kaya ako? kahapon kasi hanggang ngayon panay sakit ng sobra lang ang balakang ko.. parang gusto mahati sa sakit.. tapos nakita ko yung pantyliner ko di ko masure kung paregla na yun kasi spot spot lang or iyon na yung panimula ng implantation.. napaaga kasi nun ang PT ko dati kaya negative po.. di ko pa sya nauulit ulit mga mamsh.. salamat po sa sasagot ☺️
Good morning po mga mamsh
ilang weeks po para malaman kung may Heart beat na si baby? Salamat po sa sasagot ☺️
Good evening po!
Tanong ko lang po kung sakali po na lumabas na yung buong dugo ko pde na mag stop ng inom ng Primrose? 6weeks diagnose of anembryonic pregnancy 🥺
Good morning po!
Mga mommy tanong ko lang po kung normal po ba sa 6weeks ang nakakaramdam ng sakit ng balakang kahit umiinom po ng pampakapit? Salamat po sa sasagot #advicepls #pleasehelp #pregnancy