Hi Mommy ! Read my 6 Tips 😊 1. Siguraduhing malinis at tahimik ang kwarto kung saan mananatili ang bata. 2. Siguraduhing malinis ang kamay ng kung sinumang hahawak o kakarga sa sanggol. 3. Mainam na limitahan muna ang mga bisitang lalapit sa bata para hindi ito masyadong ma-expose sa iba't - ibang viruses at bacteria. 4. Panatilihing hindi masyadong malamig o mainit ang kwarto ng preterm baby. Tandaan na ang balat nila ay mas manipis at mas sensitive. 5. Kausapin o kantahan ang baby. Ayon sa pag-aaral, nakakatulong ang boses ng nanay sa pagpapakalma sa premature baby. 6. Ipagpatuloy ang skin-to-skin contact o kangaroo care at breastfeeding.