9 Replies
Mommy wag ka mag worry kakain at kakain din yan.. Ako mismo nung bata ako hanggang grade 1 kumakain ako cerelac lang di ako mapilit ng mama ko picky eater kasi ako😂 kaya mas magaling pa kumain sa akin si baby mo kasi kumakain siya nuggets.. Na encourage lang ako kumain ng rice nung nakilala ko una kong kaibigan nung grade 2 ako na napakatakaw kaya napagaya ako kumain😅 Pero d ko sinabi itolerate mo momsh.. Kasi ako bilang mommy din di ako nagsasawa ioffer kay panganay ko mga di pa niya kinakain nung ganyan age palang siya.. Sinasabayan ko din siya kumain.. Kaya ngayon ako na mismo umaawat kasi more than 2cups na nakakain niya ng rice per meal btw 7yo na kasi siya ngayon😅 Mas maganda mi kung may mga kalaro yan si baby mo makita niya kung paano kumain kasi ang totoo gayagaya mga bata kung anu nakikita sa ibang bata gusto nila ganon din sila😁 saka kung nuggets gusto niya isabay mo sa kanin mii.. At eto turning 5mos 2nd baby ko nagbabalak ako mag BLW siya sa 6months niya para ma avoid ang pagiging picky eater.. Basta wag ka po magsasawa mii araw2x try mo ipatikim sakanya mga niluluto mo pagkain isang araw niyan ikaw na mismo aawat sakanya kasi malakas na siya kumain ng rice😊
parang nasanay agad sa junkfood yung anak niyo mommy. puro matataas sa salt at sugar yan. wag mo offeran nyan kasi kaya siya umiiyak alam nya na ibibigay nyo yung gusto nya. wag nyo ioffer ang ibigay nyo lang healthy food o rice kung gusto nyo. kahit umiyak sabihan nyo na may rules kayo sa food. iharap nyo din sa dining table at isabay habang kumakain kayo ng meals.
try mo sis na wag siya bilhan ng mga pagkain na gusto niya tapos offer mo lang lagi rice with nuggets kung gusto niya ng nuggets, sa panganay ko kasi mapili siya ulam pero malakas siya kumain ng kanin, before ayaw niya ng veggies pero lagi naman sinasabi na magiging healthy siya and di namin siya binibigyan ng ibang options.
wag mo po sanayin na pag umiyak ibibigay ang gusto. magiging pihikan po talaga kumain. kahit anong iyak po wag po ipagluluto ulam. kung pinalaki po tayo na kung ano nakahain yun ang kakainin e maging ganon din po tayo sa mga anak natin. hindi naman po masama yon kahit afford nyo pa po yung request nung bata
or gawa ka po fries gamit air fryer at fresh potato. atleast alam nyo po na mas healthy yon. wag nyo po lalagyan salt. o kaya gawa ka burger na ang patty ay gawa sa vegetables.
gnyan ung pamangkin ko di kumakaen ng kanin puro dutchmill,oreo ang tinitira ngaun nman okay na..sinanay nila na may kanin sa pinggan at ulam although di pa masyado maalam ng gulay pero nung natuto mg rice at meat okay na sya...payat na payat din noon, ngayon mataba taba na
dapat po mamsh pag kumakain kyo, sinasabay nyo rin si baby para masanay. ganyan din po anak ko noon pero so far, kumakain narin sya magisa. sanayin nyo lng po pakonti konti. or sa vitamins din po sguro, meron po pampagana kumain na vitamins.
Anong vitamins yan mamsh??
Sa pagpapakain kailangan dn ng disiplina sa anak. Minsan may tendency kasi tayo mga Mommies maging spoiler which is understandable. Pero in this case need natin maging firm
Tips for picky eaters: https://haveyouuumetme.blogspot.com/2022/06/how-to-handle-picky-eaters.html?m=1
sabayan nyo po syang kumain. tapos kung ano ung kakainin nya, un din po kainin nyo. 😊
Anonymous