PAGTITIIS SA ASAWA

Any tip paano maging matatag ang relasyon? Nasa point na ako na naaawa na ako sa sarili ko, napapagod na ako inyindihin sya kinakasama ko. Gusto ko ng makipag hiwalay, kaso anak namin iniisip ko.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Momshie nasa ganyan point na ako ng buhay ko parehas tayo, nakipag-hiwalay na ako iisa pa lang anak namin dati pero binigyan ko siya ng chance dahil sabi niya magbabago siya at para na din sa anak namin tinanggap ko siya ulit, ngayon tatlo na anak namin at sobrang toxic na talaga ako, kakapanganak ko lang pero habang tumatagal mas lumalala lang siya, walang naging improvement sa buhay namin. Dahil salungat siya sa lahat ng desisyon ko para sa ikakabuti ng pamilya namin. Advice ko lang momshie kung magsettle for good kna, siguraduhin mo na wag kna babalik, dahil ang lesson sa akin dito kung anuman natural na ugali ng tao hindi na mababago pa.

Magbasa pa

ganyan din ako sis. nasasaktan ako everytime na mas inuuna nya ang pamilya nya kaysa sa akin kahit ang anak nya. nuknukan ang pagka mama's boy. yung tipong okay lang na di kami magkasama sumalubong ng new year para lang makauwi sakanila dahil wala daw kasama ang mama nya eh andun ang mga kapatid nya dun lang sa kanto ang bahay. isa lang yan pero napakasakit. hinayaan ko nalang sis, masakit man na maghiwalay kami atleast tanggap ko na kahit papaano. di ako inggit sa mama nya wala akong galit sakanya. ang problema ang tatay ng anak ko. atleast ngayon may peace of mind na ako. ayoko na mastress. di na ako nageexpect ng effort mula sakanya.

Magbasa pa

Sa relasyon. Kailangan tlga ang communication.. Kaya mag usap kayu ngabuti..mag one on one kayu sabhin mo lahat ng gusto mo.. Tapos kung papakinggan ka nya at may pagbabago mahal. Ka tlga at importante kayu sa knya... Pero kung wala parin pagbabago mas maganda na iwan mo na sya.. Mas mahirap ung mag stay sa toxic na relationship.. D lng ikaw ang maapektohan pati na rin ang bata.. Kapag lumaki syang toxic family ang lalakihan nya..

Magbasa pa

Communication. Sabihin nyo po sa asawa nyo na nahihirapan ka na kakaintindi sakanya. Mag heart to heart talk kayo. Lumaban hanggat kaya. Bigyan nyo pa ng chance, bigyan nyo din ng limit sarili nyo kung hanggang kailan ka lalaban. Make sure lang na worth it yung pipiliin mong desisyon.

bakit ganon binigay nya lahat sahod nya na di pala bukal sa puso?.gsto nya pala kunan ung sahod nya tapos nangungutang pa sya sa tindahan,ako at yung mga anak namin tuyo at sugar minsan ang iniulam kasi kinakapos pero ako pala itong madamot, advice naman po oh1?

mahirap nga kapag mas una mga magulang nya, di ako galit sa mga magulabg nya pero parang sila pa din priority kesA samin ng anak nya