Brown vaginal discharge na pabalikbalik 😭

Any thoughts about brown vaginal discharge mommies? Galing na ako sa OB normal nman base sa ultrasound baby is doing good pero pabalik2 po yung discharge πŸ˜₯ #26weeks3days na po ako ngayon, posterior high lying placent grade 2. Stay at home lang ako wala akong ginawawa pero may hagdan sa bahay nasa 2nd floor kwarto ko (hindi kaya ito ang reason?) March 30 nagstart yung brown discharge ko, 3days straight meron esp morning (brown watery parang tomato paste hindi po siya sticky) wala nman akong nararamdaman. April 8 bumalik nanaman medyo marami na, so nagpacheck up na ako normal nman daw lahat sabi ng OB, binigyan ako ng Isoxilan for 1week, bed rest lang daw at gumamit daw ng maternity belt. Sinunod ko nman lahat pero walang nagbago, it continues 3-4days. Tapos ngayong araw April 19 meron na nman po πŸ˜₯ Wala nman akong nararamdaman na masakit or makati pero nkakabahala din po kasi. Clear nman yung ihi ko. Gusto ko sana mg 2nd opinion sa ibang OB kaso 3hrs yung byahe nasa probinsya po kasi ako, pinagbawalan ako mgbyahe. I will appreciate any comments po. Thank you! #browndischarge #FTM #TeamJuly2023

Brown vaginal discharge na pabalikbalik 😭
11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parehong case tayo nung first trimester ko my brown discharge din ako pina inom din ako ng pampakapit saka ung progestone insert un sa vagina tapos ng ultrasound ako sabi my polyp ako kaya bleeding bka my polyp ka din 26weeks na din ako hanggang ngaun ng brown discharge din ako because of polyp ganyan din kc sakin araw araw my brown tapos ndi ndin ako ng hagdan since nung ng bleed ako sa baba nako ng kwarto kc everytime my ginagawa ka mejo mabigat kahit laba bawal ng brown discharge din hanggang ngaun meron pdin ako ganyan pero ndi nmn dahil kay baby un dahil sa polyp kasi un..kaya pa check ka bka my polyp ka din kya everyday ka din my brown discharge

Magbasa pa

bukod mi sa isoxilan may kasabay b na iniinom kc dun sa baby ko na nakunan ako ganyan lang ang iniinum ko so ngaun na buntis ako tinanong ko yan sa ob ko dapat daw kc may kasabay n iinumin yan para magstop ang bleeding, much better nga po siguro lipat ka ng OB nagkaganyan po ako at 13 weeks low lying placenta ang reason pero after a month ok n po ako until now duphaston ang pinainom s akin ng OB ko

Magbasa pa

hindi sapat ang isoxilan kung may bleeding ka, mag heragest ka ipapasok sa vagina yun every night. yun reseta sakin ng OB ko nung nag bleed din ako. pero wag ka masyado mag worry if ok naman si baby at ok ang ultrasound mo kung hindi naman sinabi ni OB na open ang cervix mo. wag ka nalang muna mag baba akyat sa hagdan.

Magbasa pa

Team july din po ako. At first spotting ko ay jan25 pinag duphaston ako. tas nwwla naman after ilang days, un nga lang parang after a week n wala e magkkmeron ulit nakailang beses din po pabalik balik. heragest n ung nireseta sken ngayon.

3y ago

nagkameron po akong subchorionic hemo based sa utz. so far okay naman po si baby, active din sya and normal naman lahat sa utz. continous lang pampakapit ko hanggat nxt check up po

In my case prang itchy at bag didischarge ako ng creamy white. Minsan thick and minsan mamasa masa. Pag gagabi hindi ako makatulog. Nag ask nko sa OB nirrsitahan ako ng Metronidaszol. Still natapos ko ung 1week. Di parin nag babago.

3y ago

Ganian Den sakin d rin nawala

Pa check ka sa ibang ob sis . Bka my polyp ka . Ganyan dn kasi saakin pabalik balik . Puro brown discharge . Polyp lagi ung dahilan

Naranasan ko rin to mi nung 1st tri ko. 3 times a day na pampakapit nireseta ng OB ko. Saka pinag bed rest ako ng 2 weeks.

mii bed rest Ka lang as in higa Ka Lang kasabay Ng ibang meds mo wag Ka munang magkikikilos ganyan lagi advise ni ob ko.

Nung ako nag ka brown discharge may hemorrhage sa loob ko kaya madaming test. Try mo pa second opinion po.

baka natatagtag ka. sa 1st flr ka muna magstay. maaga pa ang magpatagtag na akyat baba ng hagdan.

3y ago

thank you po sa sagot πŸ₯Ί