baptismal & 1st bday

hello there mga mommies ,if kayo po sa situation ko pagsasabayin nyo na lang po ba ang binyag at 1st bday ng baby nyo?&how much po kaya ang budget if ever thanks po

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

for me kasi parehas importante yun at para sakin is hindi pag sabayin kung may budget ka . pero kung wala mas ok ng pag sabayin mo. 😅 ako kasi walang budget nun kaya pinag sabay ko na sa jollibee ako nag pabday para wala ka ng gagawin kundi mag bayad kana lang. at baby mo na lang aasikasuhin mo at poproblemahin syempre pati pambayad. hindi na ako nag pagawa ng mga invitations keme ganyan. 😂 yung invitation lang sa jollibee ok na sakin yun. sinabihan ko na lang yung invited kaya medyo tipid hehehe

Magbasa pa
5y ago

depende kung ilan ang bisita mo at may mga package sila pipili ka dun.ako kasi nag customize ako kaya nakatipid ako. need mo mag down ng 3k para ma reserve mo yung slot na yun para sayo at ibabawas yun sa bill mo 😊

VIP Member

Hi mommy, kami po pagsasabayin nalang ang binyag at 1st bday ni baby, seafarer kasi asawa ko kaya pag-uwi niya nalang kami magpapabinyag kasabay ang bday. Ayaw din naman niya na wala siya sa binyag at 1st bday ng anak namin. 40k po estimated budget ko. Hehe.

opo same lang naman guest ,problem is ayaw ko na sana sa bahay namin gawin ang handaan kasi maliit lang space ska para di na din stressful sa preparation 😜 saan po kaya meron cheaper na venue and the food is okey ?near manggahan pasig po kami thanksss😘

Uunahin ko baptism nya. Kasi in our belief, di namin pwede ilabas ang baby without being baptized. Masyadong matagal kung hihintayin pa ang 1 year bago sya makalabas so uunahin binyag even yung simplest lang.

I think okay lang naman na pagsabayin. Lalo na if tight din sa budget. Pero kung my budget naman talaga pwedeng hindi pagsabayin. Depende na din kung anong klaseng celebration ang gagawin para sa budget.

Wala naman masama kung pagsabayin ng binyag at bday.. Mas praktikal nga yun eh.. Sa totoo lang samin mga christian madalas ganun... Sabay ang dedication at bday... Isahang gastos na rin...

namatay kasi father ko same month at year nun ipinanganak ko si baby ,may mga pamahiin na bawal dw muna magpabinyag kaya umabot na ng ganito katagal di pa binyag anak ko

VIP Member

Kami po balak namin dito sa baby girl na ipapanganak ko pa po ay sabay ang 1st birthday at binyag para andito po ang aking asawa.Pero sa budget depende po kung magkano.

Wag po pagsabayin,sabi nung pari nung nagpabinyag kami wag daw pagsabayin kasi magkaibang okasyon yun saka malaki na si baby kapag isinabay pa sa bday nya ang binyag

VIP Member

Yes po. Para isang gastos sa handa na lang. Aanhin naman po kasi yung sagana sa celebrations at handa kung after naman nung mga yun is hirap dahil kinapos na