Single Mom

Hi, There! Mga kapwa ko wonder Mom/Dad ❤️ I need inspirational advices and Words of Wisdom po sa mga batikang Single Moms natin diyan since ako ay baguhan palang. SANA PO WALANG JUDGEMENTS :)) Hindi rin po ako humihingi ng simpatya. - I'm 20yrs.old now and last month of July ko lang nalaman (w/ mama) na confirmed ako ay pregnant na ng 4months!!! Imagine?! Kaya nung naging aware ako sobrang praning ko and I thanked the Lord and my baby na makapit siya. Masaklap man aminin eh, hindi manlang ako sinustentuhan ng tatay ng anak kona nasa ibang bansa na 5months ago nung nag break kami. Siyempre, hirap na hirap ako ngayon sa buhay pero gagawa ng paraan para sa mahal kong anak. Sana po maging way dito sa pagsali ko sa App na ito na makahanap ng mababait na friends/momshies na mag ga-guide din sakin until my delivery. Btw, sa EDD kopo is Dec.31,2019 ? kahit financially unstable ako eh, naniniwala akong nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa. ?

Single Mom
89 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same lang tayo ng age mommy! 😊 Alam kong sobrang hirap ang maging isang single mom kasi ganyan din ang mommy ko nung pinalaki nya kaming 3 magkakapatid at naging saksi ako sa lahat ng pagsasakripisyong ginawa nya kaya sobra-sobrang pasasalamat ko sa Panginoon sa walang sawang pagbigay nya ng lakas ng loob sa mommy ko at talagang kahit kailan hindi nya kami pinabayaan at sinukuan na mga anak nya. Wag kang mag-alala mommy isasama kita sa prayers ko. Basta wag na wag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay dahil tulad mo, buntis din ako at para sakin wala ng mas mahalaga pa kundi yung nandyan ang mga pamilya at anak mo na laging handang sumuporta sayo at magbigay ng walang sawang pagmamahal. God bless mommy! 😊❤

Magbasa pa