89 Replies

Congratulations moms.. welcome to the club, ang story q nman s mag jowa pa lang kami at nbuntis ako mag 5 mos na tummy ko.. at first nung sinabi ko sa kanya ayaw pa nya d pa daw kasi sya ready ,ako nga dn nman hndi pa... gusto nya sana ipalaglag pero ayoko... sabi nya kung ano desisyon ko suportahan nya... nung sinabi ko sa knya na ipaalam ko sa family ko sasama ba sya hindi sya sumama.... at hanggang ngayon d pa alam ng family nya kasi every time tnanong ko sya kung kelan nya ipaalam sa kanila sagot nman nya malalaman dn nila yun.. nkaka depress mn pero kakayanin ko to para sa anak ko.... sa ngayon nag rent ako ng room kasi may work ako at malayo sa amin.... so ako lang mag isa all the way from the start hanggang ngayon wala ako kasama sa pregnant stage ko... napakahirap... gusto ko sanang malaman ng family nya which is tga dito lng sa place ng work ko para dun nlang ako mag stay sa kanila para kahit papano makakatipid ako... pero ayaw ng bf ko. ewan ko kung ano iniisip......... minsan di ko na alam gagawin ko 😐😭😭😭😭

Hah! Sakit sa ulo noh momsh?

TapFluencer

Kaya yan sis. Yung sister ko, single mom din. Pinahiwalay din namin sya sa bf nya kasi wala sila mapapala kung sya ang makakasama nya sa buhay. Yung pamangkin ko, sooobrang love namin. Lahat kami working na at ung bunso namin 18 years old na, college student. Parating tahimik ang bahay dahil lahat kami busy except kay mama na housewife. Pero nung dumating pamangkin ko, napuno ng saya at tawa talaga ang bahy namin. Di kailangan ng pamangkin ko un tatay nya, sa amin pa lang kumpleto na sya. Tatay ang tawag nya sa tatay namin, daddy naman tawag nya sa kapatid kong lalaki at papa ang tawag nya sa husband ko. Tulong tulong jami lahat sa pagmamahal, pagaalaga at pati narin sa gastos. Basta sama sama kayong family , kapit lang.

Same lang tayo ng age mommy! 😊 Alam kong sobrang hirap ang maging isang single mom kasi ganyan din ang mommy ko nung pinalaki nya kaming 3 magkakapatid at naging saksi ako sa lahat ng pagsasakripisyong ginawa nya kaya sobra-sobrang pasasalamat ko sa Panginoon sa walang sawang pagbigay nya ng lakas ng loob sa mommy ko at talagang kahit kailan hindi nya kami pinabayaan at sinukuan na mga anak nya. Wag kang mag-alala mommy isasama kita sa prayers ko. Basta wag na wag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay dahil tulad mo, buntis din ako at para sakin wala ng mas mahalaga pa kundi yung nandyan ang mga pamilya at anak mo na laging handang sumuporta sayo at magbigay ng walang sawang pagmamahal. God bless mommy! 😊❤

VIP Member

Very good...ako nman kaya naging single mom ako kasi mas pinili kong hiwalayan yung tatay ng anak ko,hindi pa sya ready na maging tatay...maayos ko nman npalaki ung anak ko,hehe 3 yrs old plang pla sya..😂 salamat sa malusog kong matres,walang aberya nung nagbubuntis ako...3 yrs mahigit akong single mom,nung nagkaron ako ng bf,booom!!! Buntis na ako ulit,bilis ko mbuntis😂ngaun masaya ako with my bf,very responsible at mahal ang anak ko...so God bless you and your baby..😍kaya mo yan

I admire all single moms, Bakit..? kasi kahit na mahirap maging tatay at nanay na magkasabay, nagagawa niyong gawin,.hindi madaling pag sabayin yung dalawang katauhan sa iisang katawan.. Hay, if only yung mga tatay na naka buntis, mas responsable sana complete ang family.. Pero aanuhin mo nmn amg completo kung puro sakit ng ulo diba mga mamsh.. Kaya mo yan, at sa lahat ng mga mommies na single moms,. Kayang kaya niyo yan.. 😘😘😘😍😍😍 More more hugs po sating mga mommies

aanuhin nyo po ang lalaki sa buhay kung nd ka kayang buhayin, ako nga pinanagutan ng bf ko pero wala din kwenta, lahat ng gamit ni baby ako ang bumibili,check up nung buntis ako at kahit pag anak ko gastos ko lahat kahit nung lumabas na si baby lahat gastos ko pati vaccine nya, in short masabi lang na may ama ang anak ko pero wala naman kwenta kaya mas ok pa maging single mom kse alam mong wala kang ibang aasahan kesa may kasama ka nga wala ka naman inaasahan..kaka stress lang

VIP Member

Congratulations mommy! Another single mom here! 😊 Kaya mo yan, just keep having positive vibes in your life! Hayaan mo na yung tatay ng baby mo, di kayo ang nawalan, kundi sya. 😊 Try mo mommy na mag online selling, ganun din ginawa ko nung pregnant palang ako para may pang dagdag sa gastusin namin, hanggang ngayon nakakatulong parin ang online selling sa pag bili ng gamit ni baby. 😊 Lucky tayo na supportive ang family natin, 😊 Keep on fighting and praying! God bless! ♥

Sa true siz! Haha. Nag ppre loved din ako ganun ganiyan. Haha. Thank you siz! Salamat sa ideas. 😍

Hi mommy. ❤ Be strong lang para sa baby mo. Tama yan kahit nahihirapan kapit lang sa panginoon. Walang problema na hindi matin malalagpasan. Maging malakas ka lang harapan lahat ng pagsubok. Kayang kaya yan. At lalong kakayanin mo kase may isang angel kang dinala. Sya ang gawin mong inspirasyon sa lahat ng gagawin mo. ❤ Godbless! ❤ Tiwala lang sa Panginoon ang kailangan. Kaya mo yan.

Thank you po! 😍😍😍

same situation tayo mommy,ako 3 months na si baby nung nalaman ko april naman sakin nag wowork pa ako that time buti nalang magaling kakapit si baby ko,kahit sobrang hirap at stress yung inaabot ko nawawala yun pag iniisip ko na siguro nga para sakin talaga siya kasi sa dami ng pag hihirap namin nanatili siyang nandito para sakin tapos healthy pa siya every checkup namin💕

kaya mo yan...ako nga kinaya ko e,para kay baby 👶 soon magiging ok din tayo hindi pa siguro ngayon pero naniniwala ako dadating yung araw na yun,yung maibabawi natin yung sarili natin sa mga paghihirap na dinanas natin malay natin si baby pala yung lucky charm natin diba☺💕

God will provide! Mas pagpapalain tayo ni Lord dahil kakayanin/kinakaya naten buhayin c baby ng mag-isa. Hindi nya tayo pababayaan sis, pray lang tayo lagi. Madaming ibibigay na tulong si Lord hangga't lumalapit tayo at nagdarasal sknya. Ako mismo, nararamdaman ko na ung mga tulong ni Lord samin ni baby. 17weeks preggy here, single parent soon.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles