148 Replies
Una nilang impresyon sa akin ay mayabang ako. Dahil siguro sa aking pananalita at sa pagdala ng aking sarili pag nasa harap ng ibang tao. Lagi akong napagkakamalang mahangin at hindi marunong makibagay sa iba. Nakakalungkot mang isipin na may mga tao na sadyang mapanghusga pero wala kang maggawa dahil iyon ang kanilang paniniwala. Bilang isang babae at nanay eto ang mga kadalasang na eengkwentro natin sa pangaraw araw na pamumuhay. Bagaman may mga pagkakataon na pakiramdam natin ay walang nakakaintindi satin ay dapat mas maging pursigido na ipakita sa iba na kung ano at sino talaga tayo. Para sakin, ang pagiging mapag kumbaba at pakikisama ng maigi ang susi upang mabago ang pananaw nila sayo. Hindi rin ako naniniwala sa katagang "First impression last" kasi habang dumadaan ang mga araw na mas makikilala ka ng kasama mo o kakilalala mo ay magiiba rin ang iniisip nila sa iyo. Ito man ay maging mabuti o masama, handa dapt tayo tanggapin ang mga ito upang mas maging matatag tayo bilang tao. Ako ay naniniwala na pagdating ng araw ay mababago rin ng pagpapakita ng mabuti sa kapwa, palagiang komunikasyon at pagiging totoo sa sarili ay maliliwanagan rin sila sa mga bagay na hindi nila naiintindihan sa pag uugali mo.
"Muka kang mabait kasi lagi kang nakangiti" Madalas yan po ang first impression sakin ng mga tao una palang nila akong nakikilala. Ewan ko ba , madalas kasi tlga nakangiti ako at naniniwala din po kasi akong "First impression, last." Ako po kasi ung klase ng taong, papansin at kalog. Kaya kung gaano po ako kakulit sa labas ng social media , ay ganon din nmang katamad ko magreply or magtext/chat. Kaya naman din ang ibang nakakachat ko or nakakasalamuha ko through social media ay inaakalang masungit ako. Sa social media kasi kadalasan di natin nakikita or totoong nakaksalamuha ung taong kausap natin na di natin kakilala . Kaya nman talagang di natin alam kung mapagkakatiwalaan ba or hindi . Kumabaga , nagiingat lang din. Madalas akong mapagkamalang snob or masungit s social media dahil madalas seen lng at di ako nagrereply. Which is on real life , hindi naman tlaga totoo. Natural na talaga kasi sa tao ang ganon. Pero ang kagandahan , natututo tayo makipagsalamuha ng may pagpapakumbaba sa iba. Sabi nga sa kasabihan " do not do unto others , what you dont want the others do unto you. "
First Impression nila sa akin dati suplada kase tahimik lang ako eh lalo na yun asawa ko nung unang kita niya sa akin gandang ganda sa akin ang g.g. hahaha kasama ko sya sa church namin tas di kami nag pansinan kase akala nya suplada ako new member pa ako nun sa relihiyon namin tas one day nasira laptop ko tas sabi ng isang ka church namin ipaayos ko daw sa kanya tapos nung palagi kami nag chat nag uusap tas ayun since torpe ang mister ko ako na mismo nanligaw sa kanya tas sabi nya sa akin akala daw nya tahimik ako suplada kase hindi palangiti tas nung naging kame na sya na ung sumoko sa kadaldalan ko tas akala rin nya mahinhin ako yun pala malandi haha lagi ko kase sya nilalandi ei hahahaha tas akala nya mabait ako tas nung nalamam nyang myembro ako ng mga gangster dati di sya makapaniwala hahaha
Akala ng mga tao na ako'y masungit, suplada at hindi namamansin. Hindi ko naman sila masisisi dahil yung panlabas na anyo ko ay parang hindi talaga approachable, pero agad ko rin naman itong sinasabi na ganun lang yung panlabas ko pero kapag nakilala mo rin ako ng husto ay masasabi mo palang madaldal ako, mabait at palakaibigan. Sadyang minimaintain ko lang yung ganung awra ng sa gayun ay hindi ako masyadong maattach sa kahit sino, kung sino lang yung may lakas na loob kausapin at lapitan ako, yun lang yung papansinin ko dahil minsan na akong nasaktan sa mga taong akala ko ay kaibigan ko hanggang dulo, yun pala ginamit lng ako para sa pansariling interest.
Hi! First impression nila sa akin is hindi Pala kaibigan. Na minsan totoo kasi pag hindi ko kilala, hindi nmn talaga ako ang unang nakikipagkaibigan unless Kung kasama ko sa work o kasama ko sa isang community, at mahiya in din kasi akong tao at tahimik sa simula. Kaya minsan takot din ako mkipagkaibigan baka mareject eh. Hindi talaga ako nkikipag kaibigan Lalo nat walang mutual friends. Ng iingat lang naman ako sa mga pipiliin Kong friends kasi hindi natin alam sila lng Pala sisira sa atin. Ehehhee. Yun na nga may trust issues tayo dito. Pero willing po akong kumilala Kung sino po yung gusto mkipagkaibigan. Accept natin yarn ng walang paghuhusga!
first impression sa akin ay mataray o masungit. i remembered nung college ako yan sabi sa akin ng classmate ko (who became my best friend as we finished our college) kasi nung nagkasalubong kami sa hallway, nagsmile siya and nagwave sakin pero di ko daw siya pinansin. inexplain ko naman story ko na ganun talaga ako pag naglalakad, yung akala mu nakatingin ako sayo pero yung totoo di naman. yung tagos yung tingin ba. so ayon nagsorry naman ako sa kanya then later on naging magbarkada kami at sa lahat ng kalokohon magkasama. until now, magiging ninang nga siya ng baby ko this May 16 😁
ang first impression nila sa akin ay pangit ang ugali, suplada , ndi namamansin. na hndi naman po totoo😭. masungit lang naman ako sa taong masungit sa akin.🤪kaya nung nakilala at palagi na nila akong nakakasama ng mga kaibigan ko na taga olongapo nabago ang kanilang first impression sa akin. shout out po sa mga taga olongapo city. 😅 well first impression lang naman nila sa akin iyan. Hindi mo naman kasi makikilala ang Isang tao kung hindi mo makakasama. or hndi mo pa nakaksama sa iisang bubong.😊
Hello! First impression madalas saken is SUPLADA which is not true. Siguro dahil sa mapagmataas kong kilay kaya napapagkamalan akong suplada haha pero hindi naman talaga. At first kasi tahimik lang ako and nasa face ko na talaga yung mukang suplada pero once nag usap na tayo and nakilala na ako, you can talk to me the whole day! 😂 madali rin ako mapatawa like simple actions napapasaya na kaya wala sa nature ko talaga ang mag suplada dahil I have a humble & big heart to everyone ☺️❤️🙏🏻
First impression sa akin ng mga tao is mataray,which is tanggap ko naman because first impression which is meaning nagbabased sila kung ano yun nkikita sayo through your physical appearance.So acceptance is the key.Never ako nadissapoint sa kanila kasi ang totoo naman talaga is hindi ako mataray o masungit, until they found out na hindi totoo yun 1st impression nila sa akin once na nakilala na nila ako or naging closed na kami.So masasabi nalang nila sa sarili nila "ay mali pala ako ng akala.
Ang kadalasang first impression sa'kin ng mga tao na hindi naman totoo ay masungit daw ako. Pero kung ako ay lubusang kikilalanin, ako naman ay mabait at matulungin sa kapwa. Mahilig din ako magpatawa kasi gusto kong masaya ang mga tao sa paligid ko dahil masayahin din akong tao. Tulad ng palabas na Bad Guys, hindi natin malalaman ang totong pagkakilanlan kung hindi tayo makakahalubilo sa ibang tao. Hindi lahat natural na masama o dahil mukhang masama ay masama na.