Welcome to the outside world baby❣️

Teirenz Minerva EDD : Oct. 17, 2020 DOB : Oct. 05, 2020 Weight : 3000g Thanks God nakaraos din 😇🥰 Share ko lang po experience ko... Nagstart po akong maglakad2 sa loob ng bahay nung ika 36weeks na po ang tyan ko since pandemic nga at bawal outdoors. Then Oct. 04 lakad2 and squat na morning and afternoon para sabi ko mabilis bumaba c baby. At nai dare ko pa c hubby ko na kaya kung buhatin ung isang galoon ng mineral water ung kulay blue kahit sobrang laki na ng tyan ko, tinawanan nya ako but then binuhat ko yun at naka 5 steps yata ako bago ko binaba ung jar. Feeling ko ang lakas2 ko pa🤣.. Then nagpahinga na ako after ko mag excercise ng 1hr squat at lakad2. Oct 05, alas 2 ng madaling araw nagising ako at naiihi. Pagbalik ko ng higaan hindi na ako komportable kase parang sumasakit na ung puson ko pero sobrang mild lang,nawawala naman ung sakit pero after mga 5mins sumasakit ulet hanggang sa hindi na ako makatulog.Sabi ko baka sa pagbuhat ko ito ng galoon kahapon😅 Inabot na ng 4am gising pa din ako at naiihi ulet, so pumunta ako ng cr,pagkatapos kong umihi ng magfaflush na ako ng bowl biglang parang may bumulwak sa underwear ko pagtingin ko basa at may kasamang konting dugo,kinabahan ako kaya ginising ko si hubby sabi ko manganganak na yata ako. Ayun pumunta na kmi ng lying in around 4:18 ng umaga. Pagdating dun ini IE ako at 2cm na nga ang cervix ko at naglalabor na nga dw ako. Sinabihan ako ng midwife na pwede dw muna akong umuwi at baka dw hapon pa ako manganganak . Sabi ko stay muna kmi dun kase medyo sumasakit na sya, lakad2 muna ginawa ko at squat sa loob ng lying in. Mga 6:30 ini IE ako ulet at 2-3 cm parin ung cervix ko. Kaya nagdesisyon na ang midwife na umuwi dw muna kmi at ng makatulog ako para may lakas dw ako pag ilalabas ko na c baby. Binigyan nya ako ng primrose 4pcs, at itake ko dw 2pcs after breakfast at 2pcs after lunch. At bumalik dw ako hapon na. Umuwi na kmi at nag almusal, naglaba pa ako ng ilang dress ko para may gagamitin ako sa hospital. After nun parang may bumulwak na naman, medyo madami na sya,nagworry ako. So bumalik ulet kami sa lying in mga 9am na,dun ko na naramdaman na medyo sumasakit na sya. Ini IE na naman ako at 3cm padin,sabi ng midwife hindi na dw ako pwedeng i IE ulet at nakailang IE na nga ako baka dw mamaga na ang pwerta ko at kung ano pa mangyari. Pinapauwi ulet ako at pinapahinga. Pero sumasakit na nga ang tyan ko ramdam ko na ang labor. Ang ginawa namin ni hubby,pumunta kami sa harap ng kapitolyo ng malolos at doon ako naglakad2. Start kmi mga 9:30 ng umaga at mag eeleven na kmi umuwi ng bahay. Habang naglalakad kmi dun sa kapitolyo sumasakit na talaga tyan ko as in kinakaya ko nalang ang sakit, everytime na sumakit napapatigil ako sa paglalakad same c hubby kse inaalalayan nya ako. Pagdating sa bahay minabuti kong humiga para makabawi ako ng lakas, kaso hindi ako makatulog dahil sobrang sakit na talaga ung feeling na gusto kong umire kaso inaalala ko ung panubigan ko😅. Bumangon na naman ako ,maglalakad2 pa sana ako kaso hindi ko na talaga kaya, hanggang sa tumayo nalang ako sa gilid ng pader at doon halos mapaluhod na sa sakit. Nagdecide na ako na bumalik ulet ng lying in para atleast kahit sumabog panubigan ko andun na ako. Around 11:30 dumating kmi dun ,halos hindi ko na kaya ung paglalabor, ayaw pa sana akong i IE kung hindi pa nla nakita ung hirap ko sa sobrang sakit. At nung ini IE ako boom 7-8cm na☺️ natuwa ako kahit papano kase ilang saglit nalang lalabas na c baby, sabi ng midwife antayin nalang natin pumutok ung panubigan mo at magda darna ka na😅🤣 . Lakad2 ako ulet kahit sobrang hirap na. 12:30 tinurukan ako pampaputok dw ng panubigan, dalwang turok na palpak kase ung ugat ko pag pinasok ang karayom pumuputok 😆 ung pangatlo nalang ung naging ok. Sobrang sakit na talaga. 12:50 habang nakatayo feeling ko bumuka ung pwerta ko kaya sabi ko sa midwife ate parang may bumuka 😅 sabi nya sya tara na sa delivery room . Akay2 ako ng asawa ko papasok dun pero hanggang labas lng sya. Ung delivery bed meron syang hagdan na dalwang hakbang paakyat sa higaan. Isang hakbang ko palang naramdaman ko na pumutok na panubigan ko,sabi ko ate pumutok na,sabi nya sya akyat kna sa higaan. Hindi pa ako nakapwesto ng ayos napaire na ako at labas na dw ang ulo. Tatlong ire bago lumabas ng tuluyan c baby 😇 .1:01pm sya lumabas. Sobrang hirap ng labor pero worth it kase safe kami pareho at nakayanan ko😇. Nairaos din. Kaya mga mommies alam kong kaya nyu din yan, tiwala lng kay God hindi nya kayo pababayaan😘🥰😇

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles