May sikreto ka bang gustong i-share ngayon?

tAp mommies, may gusto ba kayong i-share dahil sasabog na ang dibdib n'yo sa pagkimkim sa lihim na ito? Comment below. #GoAnonymous para walang makaalam. This is a safe space for all of us.

May sikreto ka bang gustong i-share ngayon?
55 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naiinis ako sa nanay ko mismo ! Hindi ko masabi sakanya . Mas magaling kase sya sa ibang tao kesa saken na anak nya ! Ni hindi nya ko matulungan ngayong kailangan ko sya ,pinapabayaan lang ako . Inako ko na responsibilidad nila ng tatay ko sa mga kapatid ko dahil inaalagaan nya anak ko . Ako nagpapaaral sa mga kapatid ko dahil walang trabaho yung both parents ko , ako nagpapakain sakanila . sa bahay namin ni hubby sila nakatira . Hindi ako nanunumbat pero sana naman di ba bilang nanay ko sya sana naman alagaan nya din ako bilang anak nya . Ipagluto man lang ako ng kakainin bago pumasok sa work or pag uwi . Kaso wala eh ako pa din lahat . Napapagod din po ako . Hindi lang ako makapagresign dahil di pa tapos mga kapatid ko 😔😔😔 pag uutusan ko yung mga kapatid ko lalo na ung bunsong babae ako pa napapagalitan ng nanay ko pag di sumunod . Hindi ako nagkulang lahat ng needs nila binibigay ko wala na nga natitira sakin ultimo panty ko di ako makavili sa sarili kong sweldo dahil binibigay ko lahat sakanila . Anyway buntis ako ngayon at galit nanay ko parang gusto nya na makunan ako . Bakit kaya ganun 😭😭😭 ever since never ko nramdaman yung pagmamahal ng magulang .

Magbasa pa
6y ago

Kung napapagod magpahinga. Malalaki na kapatid mo hayaan muna sila. Alam mo sis wag mo akuin ang hindi mo responsibilidad may sarili ka na pamilya yun na lang pagtuunan mo ng pansin. Paalisin mo na dyan parents mo. Bagay ganyan lang din ginagawa sayo. Sabi nga, Don't give fish to a man, teach him how to catch a fish. Please lang sis alagaan mo sarili mo, pano ka na pag nagkasakit ka sa tingin mo ba may maasahan ka sa pamilya mo?