May sikreto ka bang gustong i-share ngayon?
tAp mommies, may gusto ba kayong i-share dahil sasabog na ang dibdib n'yo sa pagkimkim sa lihim na ito? Comment below. #GoAnonymous para walang makaalam. This is a safe space for all of us.


While I'm preggy, I need to give up my supervisory role sa isang malaking BPO company. I had a lot of debt, pati postpaid plan ko hindi ko na nabayaran. I now work as a freelancer and everytime napapatigil ako may times na iiyak na lang ako bigla sa dami ng problema ko. Utang dahil nanganak, hubby na bata pa kaya bukod sa pagwowork eh walang alam sa pag-aalaga ng bata, fear na baka pag bumalik ako sa opisina eh hindi na ako ganun ka-passionate at masigla dahil sa may anak na ako at pagbabago ng katawan ko. Lahat na yata ng stress nasa akin na. May times din na gusto ko iwan yung mga problema kaso pag nakikita ko anak ko na tumatawa at natutulog, gumagaan pakiramdam ko saglit. PS: Utang ay nababayaran kaya hindi ko ito tatakbuhan. Makakaasa kayo. Hindi ko lang alam kung saan magsisimula.
Magbasa pa


