May sikreto ka bang gustong i-share ngayon?
tAp mommies, may gusto ba kayong i-share dahil sasabog na ang dibdib n'yo sa pagkimkim sa lihim na ito? Comment below. #GoAnonymous para walang makaalam. This is a safe space for all of us.


hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. currently 36+4 weeks pregnant ako sa una ok pa ang livein partner ko nagsisikap not until nung nalaman nyang may sakit sya pinastop muna sya sa work then need nya magmeds for 2weeks dapat last april 21 pa balik nya yung pera na pinapadala sa kaniya ng aunt nya para sa kanilang magkakapatid hindi ko pinapakelaman 26y/o na livein partner ko and wala pa din permanent work until now hinihintay nalang sya magkaron ng fit to work cert para makapagtrabaho ang problema namin di sya nakakapamasada dahil sobrang hina ng tao ngayon hindi din sa kanya ang tricycle na hinihiram nya halos lahat napupunta sa meds nya and vitamins ko di kami masyado namroblema sa pagkain, upa sa bahay kuryente tubig kasi nasa poder kami ng mother ko para tulungan kami sa ngayon pero nahihiya ako sa mother ko dahil lahat na sa kanya then yung livein partner ko minsan nakakainom pa pero halos wala maipon kahit pangsarili nyang pampacheckup minsan nahuhuli ko din na kokonting barya nalang nya ipangsusugal pa pero natatalo naman ayokong pakelaman yung pera na binibigay sa kanya ng auntie nya kasi para sa kanilang magkakapatid yun pero unti unti nakong naiinis sa kanya sa tuwing nalalaman ko na iipunin nalang sana namin ipangsusugal pa nya. Nagssideline ako paunti unti nagreseller ng phone pero di talaga kaya kahit 150 nalang ang komisyon ko pinapatulan ko makaipon lang kahit paano. Gusto ko magbago na pananaw ng partner ko kahit isipin nalang nya na para sa anak nya at para sa paggaling nya. Ayoko syang sukuan kasi alam ko ang hirap na dinanas nyang hindi masyadong naasikaso ng nanay at walang tatay lalo sa dami nilang magkakapatid pero unti unti akong nauubos. Nagtitiwala pa din akong magbabago sya lalo na pag lumabas na ang baby namin. Sa tingin nyo po ba may chance pa syang magsikap lalo?
Magbasa pa