My Birthing Story (Long Post)
"Tanya Mari" π 3.2 kg via NSVD EDD: September 11, 2020 DOB: September 11, 2020 Dilation Record: 2cm - 10am Sep.09 4cm - 3am Sep.11 (admitted na) 4cm - 8am Nag rupture na panubigan ko at 9:41am Dito na nag start SUPER REAL LABOR CONTRACTIONS 8cm - 1:20pm 10cm - 2:40pm At dito na nagsimula ang totoong birthing story ko when I reached 10cm dilation. Months back, I kept on telling myself na "Kaya ko inormal deliver yung baby ko, claim ko na!" At dahil sanay ako sa pataasan ng hinga dahil na rin sa naging side hustle ko ang pag kanta, naging confident ako na makakaya ko yung pag ire para mailabas si baby. Pero por Diyos por Santo, nung nag fully dilate na ko, para na kong Manananggal in the making. Literal mga besh. At dahil na rin sa FTM ako, para nang mahihiwa to half yung katawan ko. Kada hilab is nagta-try ako mag push, pero besh yung push ko hindi enough. At wala ng ikakalakas na yung pag push ko talaga kasi di ko na maintindihan nararamdaman ko. Yung ire ko hanggan leeg nalang. Namumula na daw mukha ko sabi ng OB ko.. pero no improvement masyado sa opening ng pempem ko. Sobrang nakaka frustrate na kasi parang di enough talaga lakas ko at nagmakaawa na ko sa OB ko na i-CS na nya ako kasi almost 3 hours na from full dilation at hindi ko pa rin nailabas si baby. Lupaypay na ako besh. Pero sabi ni OB "Mommy wag ganyan pls. Give me chance na mai-normal delivery kita. More push pa" And finally, Baby's OUT! 5:19pm. "Thank you Lord! Thank you Doc (OB and Pedia)! Thank you everyone! (Referring to the nurses)" yan lahat nasabi ko pagkalabas ni baby. Hindi biro ang panganganak. Swerte nalang talaga sa mga solid ang support system. Salamat Lord sa guidance and protection, from my pregnancy up to my delivery.
First time Preggo