Corpus leteum

Hello. May tanung lang po ako, normal lang po ba hndi pa nkkita ang baby na 8wks? Nakapagultrasound na po at ito ung result ko. May corpus leteum daw po sa right ovary ko ano din po ba ibigsabhin nun? Posible po bang bntis ako? Posible din po ba pa-buo pa lng din po yung baby? Nawoworied na po kse ako. Last mens ko po kse is nov. 29,2022 then dec. 29 at 31 nagspotting lang po ako as in pahid lang po. Then naisipn ko po magpt may faint line lng po, then nagpatrans v po ako tapos yan nga po ang lmabas sa result ko. Ano po kaya mainam gwin para mkita o lmbas si baby? Buntis po ba ako? Sana msagot nyo po ako. Thanks po!

Corpus leteum
21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Corpus luteum yung tawag kung san nanggaling yung egg cell mo..so ibig sabihin sa right ovary pumutok yung itlog. 8weeks 1day ka na by lmp, dapat may sac na pong nakita sa mga weeks na yan with embryo and heartbeat po. (usually kasi 6-8weeks meron na) mahirap sabihin na early pregnancy din kasi nakalagay na no sonographic evidence of intrauterine (nasa loob ng matres) or extrauterine (labas ng matres like ectopic) pregnancy.. balik ka na lang after 2weeks ulit sa OB mo para maulit transV mo. baka after nun may makita na sana...🤞🙏 o may sagot na sa concerns mo.

Magbasa pa
1y ago

Wala pong connection Sis 😅 kasi ang nagdedetermine po ng gender ay yung sperm po kung x or y sperm ang sumalubong kay egg cell mo, mapaleft or right ovary pa lumabas... sa 2st baby ko right ako nagovulate, baby girl, ngayong 2nd baby ko po left naman, baby girl pa rin :)