First time mom.

Tanong lng po sa mga ftm dito po, kc 3 months preggy na po ako, normal po ba nababawasan ang timbang from 45kg naging 42, kc talagang halos araw2 po walang ganang kumain at kung kakain man napaka kunti lng talaga. Ganito po ba talaga kapag first trimester, normal po ba tu?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din po ako, though di naman ako madalas magsuka. bumaba ang timbang ko nitong going 3 months ako. konting kanin lng din kc parang ambilis ko mabusog, pero lagi din naman akong gutom. pero ngayong 3 1/2 months na ako, bumabalik na yung gana ko sa pagkaen. pag hindi pa ko nag-gain ng weight pagbalik ko kay OB, bibigyan na daw nya ako ng pampagana. nag-positive din kc ako sa covid nung 11 weeks ako kya cguro medyo bumaba din ang timbang ko. basta take lang lahat ng vitamins na nirereseta ni OB. 😊

Magbasa pa
VIP Member

ganyan din po na experience ko. from 60 kg (weight ko nung di pa ko buntis) to 54 kg hanggang 5 months po ako nababawasan ng timbang nag worry din ako nung time na un. May gana naman po ako kumain pero kasi nag bawas ako ng kaen sa rice kase parang ayaw ko nun masyado mag rice. tsaka ung iba kong nakakaen nasusuka ko lang. Pero nag gain naman na ko ulit simula 6 mos hanggang ngayon kabuwanan ko na balik na sa dati timbang ko. 😊

Magbasa pa

same po tayo 3 months preggy din ako mommy from 55 to 53kg, di naman ako maselen pero palagi walang gana kumain at konti lang din kinakain ko. pero now unti unti nang bumabalik kumakain nako nang marami now halos mayamaya kasi sabi ni OB dapat mag gain ako pero bakit daw nabawasan kaya sabi kahit diko gusto kainin pilitin ko kasi para kay baby yon.

Magbasa pa

ako nmn 3 months na now mjo di na ako gaano nag susuka ganyan din ako mula 8weeks to 13 weeks grabe suka ang ginagawa ko pag nagsuka kumakain ako ulit.. maintain lang ang weight ko 50-52.. nung di pa ako preggy 46 weight ko. hirap tlga kapag naglilihi pa. pru yung gatas tlga pinaka hirap ako inumin kasi nakakasuka til now.

Magbasa pa
3y ago

pwede naman po mommy kahit Dina mag gatas vitamins nalng calcium hinge sa Ob po

Yes sis normal, ftm din ako 21years old. Payat na talaga ako noon pa. Ganyan din ako nung first tri. Yung weight ko from 38kg to 34kg grabe mamsh nagpapalit palit ako ng doctor pero kinaya naman namin ni baby. Kapit lang mamsh, hoping na mas maging better ka sa second tri mo. Magugutom ka na mayat maya ❤️

Magbasa pa

sapag lilihi po yan.. ako po nung 3 months preggy ako nabawasan din timbang ko. 56kg naging 48kg ako.. d po kasi ako nakakakain ng maayos isang kutsarang kanin d ko pa maubos. sinusuka ko lang lahat ng pag kain pati tubig

ganyan din ako mamsh nung first trimester ko , before nabuntis ako 45 kl. ako tas naging 38 kl. kasi maselan ako magbuntis suka ng suka , after 1st tri naggagain na ko weight .

3y ago

thank you po sa reply momshie.❤️

VIP Member

Yes po Sis. Normal po sya. Pagpatak mo nman po ng 4-5 months e babalik na let gana mo sa pagkain. Mkakapag gain ka na po ulit ng weight. 😊

may mga ganyang buntis po tlga ata . bawi nlang po kau pag may gana na kumain ska di na po kau sumusuka , ska tuloy nyu lng po mga vitamins nyo

3y ago

thank you po sa tips nyo po.

same experience po. second trimester na po bumalik ang gana ko sa pagkain.