PHILHEALTH

Tanong lang po, may PHILHEALTH na kasi ako nakakuha ako noong pang 2018 pero ni minsan di nahulugan. tapos ngayon buntis po ako EDD Ko this August po, magkano kaya babayaran ko para magamit sa panganganak ? Maraming salamat po sa sasagot., God bless us all ♥️ #FTM

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mam.. kung 2018 pa last payment mo mam possible malaki na babayaran mo. Mas okay po na mag direct kau sa philhealth office na malapit po sanyu para sure sa amount. Maliban naman po dyan may indigency po na nakukuha sa cswd, peru un po is kung wala ka pong work. Basta maclassify ka po nilang indigent. Possible po un lalo na kung si Mr mo or fam income nyu ay papasa. Sa public hospital naman po katulad dito samin, kung walang philhealth ang patient (manganganak man o kung anu pa po ang case) inienroll po sa hospital under ni malasakit center, may philhealth staff po dun. Yun naman din po ay base sạ classification ni social worker sau upon admission mo po. Peru mas okay na paenroll nalang po kau ng philhealth-indigent sa cswd nyu po. Sana makatulong

Magbasa pa
2y ago

kaya nga po, ngayong taon lang po ako unang nakahulog jan&feb . pero plano ko bayaran kahit hanggang August lang , magagamit pa din po kaya sa panganganak ko?

Same sakin mii simula nag apply ako ng philhealth nung 2018 isang buwan lang nahulog ko then na buntis ako ng 2021, nanganak ako ng 2022 ang hinulog ko lang 6months sakop sa buwan ng panganganak ko na less ko sa hospital bill ko 15k.

2y ago

ok mii , salamat po