Tanong ko po bat kaya may mga mommy na masyadong dindown yung mga Bottle feed na baby, Parehas sa baby ko since birth bottle feed ko sya kse ang hirap ng gatas ko. Ginawa ko na lahat2 nag pump nako at uminom ng pampagatas para dumami pero hirap dahil inverted nipple ako. π₯Gusto kong ibreast feed si baby kse laking tipid at makikita mong malusog talaga sya kapag gatas ng nanay. Ngayung 7months na baby ko blessed po ako dahil di sya sakitin kahit Nestogen lang gatas nya. π Sana may mga mommy dn na malawak yung pag iisip na may mga nanay na tulad ko na napakahirap ng gatas , dko nilalahat po! May mga nanay ako na nakakasalamuha tanong sken bat dko pinadede sken hirap iexplain.pero dami ng kuda amp! Nakakainis lang minsan. π Share ko lang po! ππ#1stimemom
Mauie Aguirre