Bottle feed Mom.

Tanong ko po bat kaya may mga mommy na masyadong dindown yung mga Bottle feed na baby, Parehas sa baby ko since birth bottle feed ko sya kse ang hirap ng gatas ko. Ginawa ko na lahat2 nag pump nako at uminom ng pampagatas para dumami pero hirap dahil inverted nipple ako. πŸ˜₯Gusto kong ibreast feed si baby kse laking tipid at makikita mong malusog talaga sya kapag gatas ng nanay. Ngayung 7months na baby ko blessed po ako dahil di sya sakitin kahit Nestogen lang gatas nya. 😊 Sana may mga mommy dn na malawak yung pag iisip na may mga nanay na tulad ko na napakahirap ng gatas , dko nilalahat po! May mga nanay ako na nakakasalamuha tanong sken bat dko pinadede sken hirap iexplain.pero dami ng kuda amp! Nakakainis lang minsan. πŸ˜‘ Share ko lang po! πŸ˜ŠπŸ’–#1stimemom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Been in your shoes mommy. Tried everything. Naubus ko na din lahat ng dahon ng malunggay na tanim nagtake na din ako 3x a day ng supplement, mahilig naman ako sa sabaw at hinihigop ko lahat pero wala talaga kahit magpump pa ko ng 1hour wala. Mas pinili lang namen ni hubby yung sanity ko. Buti din yung husband ko understanding naman and kita naman nya lahat ng efforts ko para makapagprovide ng breast milk kay baby. May mga tao lang talaga na paulit ulit pa din sasabihin na sana nagbreastfeed ka etc. Nung una nasasaktan din ako at gusto ko sila pagsasagutin. Pero katagalan, dedma na lang. importante malusog si baby at nakakadrink sya ng milk on time. Di din naman sila nabili ng pinapangmilk ni baby. Ang importante kayo ni hubby okay at si baby healthy.

Magbasa pa
4y ago

True. At magastos naman talaga. Iniisip lang namen ni hubby na atleast may pambili pa kame. Kahit ano naman gawin nateng mga mommy lagi at laging may nasasabi. Learn na lang naten aralin yung dedma. Kase tayo naman may hawak ng emotions naten. Kahit ano pang sabihin nila if di tayo papaapekto, sila na din mapapagod mommy. 😊