Normal body weight for pregnant

Tanong ko lang po kung normal lang po wala padin gana kumain kahit 12 weeks pregnant na? Nakakapag aalala lang kasi dapat mas bumibigat yung timbang ko kaso parang lalo ko pumapayat. 46kilos lang ako now and 20 yrs old. First baby ko po. Baka may ma advice po kayo salamat! ?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang po yan momsh as long as regular nman check up mo na okay si baby sa loob. Ako upto 16 weeks 43-45kg lang ako wala nadagdag khit kain pa ako ng kain (prang pinupoops ko lang tlga lahat😂) ksi di nmn ako maselan sa food at kumpleto sa vits at milk. Wla pa din ako bump. Maliit lang magbuntis at petite. Ftm din. Sabi naman ni OB okay lang yun tska normal si baby. 🙂 Basta pilitin mo kumain small frequent meals lang then vits and milk at regular check up para mamonitor kayo ng OB mo.

Magbasa pa
5y ago

Same tau d nadadagdagn ung timbang ko kain nman ako kain ..

VIP Member

ako po na preggy, 55 kg, umabot nako ng mag 4 mos na 57 lang weight ko nasasabihan nako ni ob na d daw ba ko kumakain wag daw ako mag diet tska na daw 😂 sabi ko kumakain po ako kaso pag tinatry ko damihan nakakasuka na. paranf punong puno lagi tyan ko.. etong 5 mos ko nag 60 na then kanina pag ultz. 61 na 😅

Magbasa pa

Gang 3 months po kasi naglilihi ang buntis so kahit sa pagkain nagsusuka normal Lang sis na bumaba ang timbang mo sa first trimester kasi minsan ayaw tanggapin ng tiyan Yung kinakain mo. Pilitin mong kumain tsaka inom ka ng tubig. Pag second trim kana saka ka palang makakabawi ng Kain dun tataba kana sis

Magbasa pa

at 12weeks okay pa yan momsh :) Nung bago plang dn akong buntis 7kilos nawala sakin.. Pero nung nsa second trimester n ako, balik na ako sa dati kong timbang na 64, ngayon 21weeks na ako, 1month plang 2kilos na nadagdag sakin hahaha gulat ob ko. gulat dn ako.. hahahaha

Normal lang yan momsh, ako din noon walang kagana ganang kumain lahat ng nakahain sa harap ko ayaw ko talaga. Pag tuntong ng 4mos dun nako nagbawi ng kain panay kain kona naman ngyon wala nadin morning sickness. Yun lang mayat maya nako nagugutom🤦‍♀️

Magbasa pa

Baka dahil ng paglilihi mo. Ganyan din ako dati 64kgs ako nung mabuntis pero nung naglilihi ako bumaba timbang ko naging 62 or 61kgs ata tapos nung matapos na ko maglihi okay na naka kain na ko ng maayos. Nanganak ako 70kgs ako.

VIP Member

Ganun po talaga pag nasa first trimester po masyadong maselan tapos nasa stage po kayo ng paglilihi. Pero matatapos din yan mamsh mga nasa 2nd trime mo. Yun magugulat ka na lang tataas bigla timbang mo. Hahaha

Normal lang sis. Ako nung around 12 weeks ay 38 kg lang ako gawa ng kakasuka ko pero after naman ng pagsusuka, naging okay naman. 42 kg ako and as long as nabigat naman every checkup, okay lang yun :)

ako din po 12 months ng buntis problem ko po ngayon sobra ang paglalaway at pagsusuka ko, mga hanggang kelan ko pa po kaya yun mararanasan, sobrang hirap po kasi kada kain ko po sinusuka ko agad 😭

5y ago

sobrang nakakapanghina po kasi pag nagsusuka.

Hi momsh normal lang po yan kasi ako po 4months nako buntis lalo pako pumayat yung akin naman kasi nag ggym pako that timw kahit buntis ako okay naman para healthy din at di mahirapan manganak.